Tila ilang buwan na ang pagbubuntis ni Sarah Lahbati base sa promotional photo na inilabas ng Regal Films para sa pelikulang Seduction na pinagbibidahan niya kasama ang boyfriend na si Richard Gutierrez at Solenn Heussaff. Pero buntis nga ba o dahil lang sa damit na suot n’ya kaya nagmukhang buntis?
According to reports, umalis noong Lingo si Sarah kasama ang kanyang ina papuntang Switzerland. Iyon ay sa kabila ng mga demandang kinakaharap niya na isinampa ng GMA-7 at ng network executive na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.