Friday, January 10, 2014
'Home Sweetie Home' pilot episode, panalo sa ratings
Base sa datos mula sa Kantar Media, pumalo ng 19.9% ang “Home Sweetie Home,” kaya nanalo ito sa TV ratings sa mga urban at rural area. Maganda rin ang feedback na natanggap ng pilot episode mula sa social media, kung saan nagkaroon ng instant fans ang loveteam nina John Lloyd at Toni.
Saturday, January 04, 2014
‘ASAP’, world-class ang salubong sa 2014
Sasalubungin ng “ASAP 19” ang taong 2014 na hitik na hitik sa world-class performances at production numbers ngayong Linggo (Enero 5) bilang selebrasyon ng ika-19 ng anibersaryo ng longest-running, top-rating, at trending musical variety show ng ABS-CBN.
Bukod sa mga unang pasabog ng “ASAP 19,” isang engrandeng all-star celebration din ang inihanda ng ASAP Kapamilya para sa ika-35 taon sa showbiz ng broadway diva na si Lea Salonga, kasama ang mga miyembro ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra
Tuesday, November 19, 2013
ABS-CBNmobile, aalalay sa mga biktima ng Yolanda sa pamamagitan ng pamimigay ng 100,000 SIM cards
Sa panahon ng kalamidad, pinakamahalaga ang koneksyon sa isa’t isa upang masiguro ang daan patungo sa pagbangon.
Kaya naman aagapay ang ABS-CBN sa muling pag-ahon ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng pamimigay sa kanila ng libreng SIM cards ng mobile phone service nitong ABS-CBNmobile.
Saturday, November 16, 2013
Bagyong Yolanda, hihimayin sa ‘Matanglawin’ (Nov 17)
Ipapaliwanag ni Kuya Kim kung bakit nabuo ang bagyong kasinglakas ni Yolanda pati na rin ang kaakibat na peligrong dinala nito tulad ng storm surge na sumalanta sa bansa sa episode bukas (Nov 17) ng “Matanglawin.”
Bagamat inasahan ng lahat ang kanyang pagdating ay tila hindi pa rin naging sapat ang paghahanda ng mga Pilipino sa bagyong Yolanda sa mga nasalantang lugar dahil ngayon lang nagkaroon ng ganito kalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo.
Wednesday, November 13, 2013
Will Kang Chi and Yeo Wool’s love story have a bitter ending?
Panahon na para singilin si Gwan Woong para sa lahat ng kanyang kasamaan, ngunit tila iba ang magbabayad nito sa nalalabing episodes ng hit afternoon Koreanovela na “The Love Story of Kang Chi.”
Habang naghaharap ang Gobernador at si Gwan Woong, palihim na babarilin ng kanang kamay ni Gwan Woong si Kang Chi.
ABS-CBN, pinakahumakot na TV network sa Philippine Quill Awards
Humakot ng pitong parangal ang ABS-CBN sa prestihiyosing Philippine Quill Awards na kumilala sa galing at husay ng Kapamilya network sa kanilang mga proyektong may kinalaman sa komunikasyon. Ito ang pinakamaraming Quill Awards na nakuha ng isang TV network para sa taong ito.
Dalawang Quill awards ang inuwi ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs para sa taunan nitong seminar na gumagabay sa mga pangangailangan ng mga magiging ina at isang digital mobile application na nagbibigay impormasyon at umaalalay sa pangangailangan ng mga botante.
Tuesday, November 12, 2013
‘The Singing Bee’ bee-birit na sa Sabado (Nov 16)
Ang siesta time tuwing Sabado ng hapon ay magiging mala-fiesta sa musika at sayang hatid ng nagbabalik na musical game show na “The Singing Bee” na BEE-birit na simula ngayong Sabado (Nob 16) sa ABS-CBN sa pangunguna ng nagbabalik-Kapamilya na sina Roderick Paulate at Amy Perez bilang hosts.
Lahat ay ‘in’ sa nasabing game show dahil hindi importante kung sintunado ang boses mo basta tama ang lyrics mo. Dobleng saya ang ihahatid ng “The Singing Bee” ngayong season dahil sa kwela, kilig, at aksyong ihahatid ng hit na tambalan nina Dick at Amy.
Saturday, November 09, 2013
Rematch nina Donaire at Darchinyan, mapapanood sa ABS-CBN
Magaganap na bukas (Nov 10) ang pinakahihintay na rematch sa pagitan ng dating world boxing champions na sina Nonito ‘Filipino Flash’ Donaire at Vic ‘Raging Bull’ Darchinyan sa 10-round, non-title featherweight fight na gaganapin sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas . Panoorin ito sa espesyal na coverage ng ABS-CBN na “The Rematch: Donaire vs. Darchinyan” sa ganap na 11 AM.
Anim na taon ang hinintay ng lahat para sa labang ito at parehong gutom ang dalawang boksingero na makuha ang tagumpay dahil mahalaga ito sa pag-ahon ng kanilang kasalukuyang boxing careers.
Friday, November 08, 2013
Pinay beauty queens, kikislap sa ‘ASAP 18’ ngayong Linggo (Nov 10)
Magrereyna sa “ASAP 18” ang world-class Pinay beauty queens ngayong Linggo (Nobyembre 10) sa pagrampa ng Miss Universe runner-ups na sina Venus Raj at Shamcey Supsup at 2013 Miss Supranational na si Mutya Johanna Datul.
Bukod sa pagbisita ng naggagandahang beauty queens, lalong magiging maganda ang Christmas countdown ng TV viewers sa bonggang birthday bash para kina Vina Morales, Angeline Quinto, at Enchong Dee; sa star-studded na Christmas gift nina Jamie Rivera at Arnel Pineda; at sa bagong concert spectacle ni Jed Madela para sa kanyang upcoming concert na ‘X: Jed Madela’s 10th Year Concert.’
‘Failon Ngayon’ at Ted, kinilala ang husay sa London
Kinilala at pinuri ng Association for International Broadcasting (AIB) sa United Kingdom ang “Failon Ngayon” at anchor nitong si Ted Failon sa ginanap na 2013 AIB Awards.
Nominado ang “Failon Ngayon” sa Domestic Current Affairs Documentary category para sa episode “Island of Boracay 2” episode na tinampok ang pag-giba ng mga ilegal na resorts sa Boracay kasunod ng episode nito na nagbunyag sa iregularidad na ito.
‘Miss Universe 2013,’ mapapanood sa ABS-CBN at Velvet
Si Ariella Arida na nga kaya ang ikatlong Pilipinang magsusuot ng korona bilang Miss Universe?
Malalaman na ang kasagutan ngayong Linggo (Nov 10) sa inaabangang “Miss Universe 2013” na mapapanood live sa Velvet (SkyCable ch 53) sa ganap na 2 AM at may special telecast sa ABS-CBN ng 9 AM.
Saturday, September 21, 2013
‘Maria Mercedes’ music video
Puspusan na ang promotion para sa nalalapit na premiere ng Maria Mercedes, ang Philippine adaptation ng sikat na 90s telenovela na pinagbidahan ng Mexican superstar na si Thalia.
Friday, September 06, 2013
Jake at Jason, tataya para kay Jessy
Madalas na piliin ng contestant sa “Kapamilya Deal or No Deal” ang briefcase na may may parehong numero ng kanyang kaarawan ngunit para kina Jake Cuenca at Jason Abalos, kaarawan ng kanilang leading lady sa “Maria Mercedes” na si Jessy Mendiola ang napagkasunduan nilang piliin.
Ngayong Sabado (Sep 7), tataya ang dalawa sa briefcase number 3 sa pag-asang maiuwi ang milyon sa hit Kapamilya game show.
Puppy love at pagkakaibigan, masusubukan sa ‘LUV U’ at ‘Goin’ Bulilit’
Ang mga paboritong child at teen stars ng Kapamilya network ay nasa stage na kung saannararanasan na nila ang pagseselos at puppy love na mapapanood sa LUV U at Goin’ Bulilit ngayong Linggo (Setyembre 8). Malampasan kaya nila ang iba pang mga problemang paparating sa kanilang coming-of-age?
Mataas ang mga emosyon ng teens sa LUV U, lalo na ngayong nagdesisyon nang aminin ni Lexie (Alexa Ilacad) kay Marj (Mika dela Cruz) na may gusto siya sa school bad boy na si Benj (Nash Aguas). Hindi ito masabi ni Lexie kay Marj nang personal kaya naisip niyang i-text na lang ito. Ang kaso, kay Benj niya naipadala ang message. Kaya bang magawan ito ni Lexie ng paraan bago magka-isyu? At, may gusto rin kaya si Benj kay Lexie ngayon na palaging magkasama bilang study buddies sila ni Marj?
Thursday, September 05, 2013
Denise Laurel, battered wife sa ‘MMK’
Sa gitna ng kaliwa’t kanang isyu ng domestic violence na kinasasangkutan ng ilang sikat na personalidad sa bansa, isang napapanahong kwento ang ibabahagi ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Setyembre 7) na pagbibidahan nina Denise Laurel at Rayver Cruz.
‘SPG’ (Strong Parental Guidance) ang rating ng upcoming “MMK” episode dahil sa maselang tema nito na tungkol sa pang-aabusong pisikal, berbal at emosyonal na dinanas ng isang misis sa kamay ng lalaking nangakong siya ay irerespeto, poprotektahan at mamahalin.
‘Galema: Anak Ni Zuma’ masisilayan na ngayong Setyembre
Posible ba ang isang ordinaryong buhay para sa isang ekstra-ordinaryong babae? Anong halaga ng pagmamahal ng isang pamilya para sa isang dalagang walang ibang hangad kundi tanggapin siya ng lipunang ginagalawan niya?
Ngayong Setyembre, masisilayan na ng TV viewers ng ABS-CBN ang makamandag na ganda ni “Galema: Anak ni Zuma.” Bibigyang buhay ang classic Pinoy komiks character na ito ng Kapamilya actress na si Andi Eigenmann.
Saturday, August 31, 2013
Gerald, Dawn at iba pang cast ng ‘Bukas Na Lang Kita Mamahalin’, paiibigin ang ‘ASAP 18’ viewers
Pakakawalan ng “ASAP 18” ngayong Linggo (Setyembre 1) ang isang bonggang pagsalubong sa buwan ng Setyembre na pangungunahan ng grand launch ng pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Diana Zubiri, Tonton Gutierrez, Dina Bonnevie, at Dawn Zulueta.
Bukod sa grand launch ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” magdadagdag-kulay at kasiyahan din sa ‘attack of the ‘80s’ celebration ng “ASAP 18” ang reunion ng ‘80s singing group na ‘The Triplets’ na binubuo nina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz; at ang hindi dapat palampasing performance ng ‘80s OPM legend na si Freddie Aguilar.
Sindikatong nagnanakaw at nagbebenta ng libreng gamot, ‘Bistado’
Bibistuhin ni Julius Babao ang sindikatong nangongolekta ng mga libreng gamot mula sa mga pulitiko para ibenta ngayong Lunes (Setyembre 2) sa “Bistado.”
Sinubaybayan ng “Bistado” ang galaw ng naturang grupo sa loob ng dalawang linggo at natukalasang pangdodoktor ng mga dokumentong medikal gaya ng reseta at medical report ang istilo nila para makakulimbat ng mga libreng gamot sa iba’t-ibang bayan.
Kuya Kim, magpapaka-weird sa ‘Matanglawin’
Sasabak si Kuya Kim sa isang naiibang adventure sa kanyang pagtuklas sa mga weirdong kaganapan, tao, at maging mga hayop ngayong Linggo (Sep 1) sa “Matanglawin.”
Bubusisiin ng nag-iisang Trivia King ng bansa ang naiibang lagay ng panahon tulad ng 72-mudfish rain sa Agusan del Sur patin na rin ang orange na niyebe sa Siberia at tinaguriang blood-red river sa Yangtze.
Tuesday, August 27, 2013
Kantar Media National TV Ratings - August 26, 2013 (Monday)
Kantar Media Total Philippines (Urban and Rural) Household TV Ratings - Aug 26, 2013 (Monday)
