Saturday, February 09, 2013

PBB Teen Ryan at Karen, Hahamunin ni Kuya Kim

Mapapaaga ang summer kay Kuya Kim ngayong Linggo (Feb 10) sa “Matanglawin” dahil sasabak siya sa isang exciting na adventure sa isa sa pinakamainit na vacation spot sa bansa ngayon— ang probinsya ng Albay.

Karen Reyes and Ryan Boyce with Kuya Kim Atienza in Matanglawin

Hindi lang iyan dahil tila mapapaaga din ang Valentines dahil sasamahan siya ng kinakikiligang “Pinoy Big Brother Teen Edition” housemates na snia Karen Reyes at Ryan Boyce at patutunayan ang mga sarili na karapat-dapat tawaging “Matanglawin” adventurers.

Thursday, February 07, 2013

David Beckham underwear sexy for H&M Spring 2013 campaign (Video)

Super sexy si David Beckham sa Spring 2013 campaign video ng kanyang H&M underwear line.

David Beckham

Isang short film ang video na directed by Guy Ritchie. Para ito i-celebrate ang updated collection ng underwear line na available na sa mga piling H&M stores at online beginning February 6, 2013.

Wednesday, February 06, 2013

National TV Ratings (Urban + Rural): February 5, 2013 - Tuesday

NATIONAL TV RATINGS
February 5, 2013 – Tuesday

Total Philippines (Urban + Rural)
Source: Kantar Media / TNS

Kantar Media Total Philippines Household TV Ratings (Feb 5)

Kasal nina Kris Aquino at Robin Padilla, tinutukan ng sambayanan!

Mainit na sinubaybayan ng primetime TV viewers ang pinananabikang kasal nina Kris Aquino at Robin Padilla sa hit Kapamilya teleseryeng “Kailangan Ko’y Ikaw.” Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Martes (Pebrero 5) kung kailan humataw ang action-drama series nina Kris, Robin at Anne Curtis ng 20.3% national TV ratings, kumpara sa katapat nitong teleserye sa GMA na “Temptation of Wife” na nakakuha lamang ng 17.7%.

Robin Padilla and Kris Aquino in Kailangan Ko'y Ikaw

Bukod sa kasalan, tinutukan rin sa nasabing episode ang mainit na love scene nina Roxanne (Kris) at Bogs (Robin) na nag-honeymoon sa Boracay.

Mga Kabataan, Hinimok na Maglingkod sa Bayan sa Pinoy Media Congress ng ABS-CBN

Responsibilidad ng media ang maglingkod at magmahal sa bayan. Ito ang mensahe ng liderato ng ABS-CBN sa mga delegado ng “Pinoy Media Congress Year 8” (PMC), ang taunang media conference ng ABS-CBN para sa mga estudyante at guro ng komunikasyon sa buong Pilipinas.

image

Ngayong taon, higit sa 20 eksperto at aabot sa 700 estudyante at guro ang dumalo sa PMC, na ginanap noong Enero 31 sa ABS-CBN Studio 10 sa Quezon City at Pebrero 1 at 2 sa Trinity University of Asia.

Team Graduates at Team Bulilit, Maghaharap!

Magbabalik ang mga galing ng “Goin’ Bulilit” na sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, Ella Cruz, Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Nash Aguas at iba pa upang makipag-tagisan sa current bulilits sa paghahatid ng katatawanan ngayong Linggo (February 10).

Goin' Bulilit

Abangan ang kanilang anniversary at birthday party gags at segments tulad ng “Sigaw Family The Next Generation”, “Ang Corny” at musical sa saliw ng pinaghalong kanta ng Hagibis at One Direction. Magtatambal naman muli sina Kiray at Hopia sa kanilang segment na “Ang Fairy” at magpapasiklaban sa isang nakakakiliting laro ang team graduates at team bulilit.

Kambal na katatakutan sa “Hiwaga”

Kambal ang katatakutang hatid ni Atom Araullo ngayong Biyernes (Feb 8) sa “Pinoy True Stories: Hiwaga” dahil aalamin niya ang kababalaghang bumabalot sa tinatawag na “kambal na bahay.”

Kambal Na Bahay in Hiwaga

Sa loob ng maraming taon, nagsilbing tahanan para kay Jolo at sa kanyang pamilya ang “kambal na bahay.” Ito ay binansagang kambal dahil ito ay dalawang magkaibang bahay na may parehong istruktura pagdating sa loob.

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates