Tuesday, April 02, 2013

‘On The Job’ - Teaser Trailer (Video)

Monday, April 01, 2013

‘Love and Lies’ magsisimula na ngayong April 8

Ang Love and Lies na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez ay magsisimula nang umere ngayong April 8. Makakasama niya rito sina Michelle Madrigal, Paolo Contis at Sid Lucero. Ito’y under the helm of Direk Mark Reyes.

Teaser:

The Best Asian Dramas for 2013

GMA-7’s lineup of Asian Dramas for 2013:
1. I Do, I Do
2. Queen and I
3. Padam Padam
4. Unexpected You
5. Innocent Man
6. Arang and the Magistrate

Monday, March 25, 2013

DZMM ‘Takbo Para Sa Karunungan,’ suportado

Umani ng suporta ang DZMM mula sa alumni ng St. Jude Catholic School batch 1990 sa pareho nilang mithiing itaguyod ang edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng ikatlong “DZMM Takbo Para sa Karunugan.”

DZMM Takbo Para Sa Karunungan

“Nakita namin ang value ng proyektong pang-edukasyon ng DZMM na advocacy din ng aming grupo. Naniniwala kami na ang edukasyon ang pinakamabisang susi para makaangat at makabangon sa buhay ang mga indibidwal sa pagkamit ng magandang propesyon,” ayon sa batch president na si Francis Yu.

Bea Alonzo - Metro Apr 2013 cover

Napakaganda ni Bea Alonzo sa cover ng Metro magazine April 2013 issue.

Bea Alonzo - Metro April 2013

Saturday, March 23, 2013

Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz learn a lot from Laida and Miggy

Box-office royalties Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz admitted that they are equally excited, just like the rest of the moviegoers nationwide, for the much-awaited big screen return of two of the most-loved Pinoy movie characters namely, Laida Magtalas (Sarah) and Miggy Montenegro (John Lloyd) via “It Takes A Man And A Woman,” the third installment of the most successful Filipino film franchise co-produced by Star Cinema and Viva Films. “It Takes A Man And A Woman” is set to hit cinemas nationwide on Black Saturday (March 30).

John Lloyd Cruz, Cathy Garcia-Molina, Sarah Geronimo

The Laida-Miggy love story is so special to Sarah and John Lloyd that they both felt challenged in doing the third, and possibly the last installment of the movie franchise.

“Emotional ako sa paggawa ng movie na ito kasi napakasaya ng feeling na after four years ay nagkasama-sama kami ulit nila John Lloyd, Direk Cathy Garcia-Molina, and the whole cast na magagaling lahat. Pero nandun rin ‘yung lungkot kasi baka ito na ‘yung last installment ng movie series na ito na nag-start sa ‘A Very Special Love’ at sinundan ng ‘You Changed My Life,” said Sarah.

“Sana ‘yung naging learnings ng characters namin maalala ng lahat ng manonood. But if there’s one thing that I can really guarantee is that we have a very good ending at lalabas sila ng sinehan na talagang masaya katulad nang kung paano naging masaya sina Miggy at Laida,” John Lloyd expressed.

Like the rest of the nation, Sarah and John Lloyd loved the series even more not only because of the romantic scenes between Laida and Miggy but because of the lessons imparted by the characters. “Syempre nalungkot ako na nagbreak sila Laida at Miggy. Iba ‘yung naituro nu’n sa akin habang ginagawa ko ‘yung pelikula,” shared Sarah. “My character, Laida, has always been a believer of fairytales at dito sa movie, at dito sa movie, makikita mo ‘yung growth niya at maturity niya. At ‘yun ang gusto ko ring ma-apply unti-unti para sa sarili ko.”

John Lloyd also confessed how attached he is with his character Miggy. “Hindi lang naman kami gumagawa ng pelikula para lang may maipalabas. Kapag inaangkin mo kasi ‘yung character, nag-e-exist siya sa buhay mo. So ‘yung struggles at journey niya, nagiging struggles at journey mo rin. ‘Yung mga natutunan niya, natutunan mo din. At kay Miggy, halos nagsabay kasi ang growth namin as a person so kaya ganon na lang ako talaga ka-emotional these past few days. It’s like saying goodbye to a friend,” the actor said.

With the learnings they got from the experiences of Laida and Miggy, Sarah and John Lloyd were even made closer in their love team’s return on the big screen.

“Ito ang pinakamagandang naabot ng relasyon namin ni Sarah bilang magkatrabaho at bilang magkaibigan,” said John Lloyd. “Alam naming marami pa kaming dapat matutunan sa isa’t-isa, which makes it very exciting and inspiring kasi hindi naman dito natatapos ‘yung istorya namin and I’m looking forward to another journey para sa aming dalawa.”

What were the trials that Laida and Miggy faced after their break-up? Is it really the end for their love story or will Laida and Miggy rediscover the magic of the ‘very special lovek they once shared?

Aside from Sarah and John Lloyd, also part of “It Takes A Man And A Woman” are Joross Gamboa, Gio Alvarez, Matet De Leon, Al Tantay, Irma Adlawan, Guji Lorenzana, Rowel Santiago, and Dante Rivero. The film also introduces model-host Isabelle Daza, who will plays the character of Belle, the socialite girlfriend of Miggy.

Don’t miss the return of the most successful romantic-comedy movie series “It Takes A Man And A Woman” which will be shown on theaters nationwide on March 30, 2013.

For more information and latest updates about “It Takes A Man And A Woman” simply visit www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema and http://twitter.com/StarCinema.

Defending champions, muling nanguna sa ‘3rd DZMM Takbo Para Sa Karunungan’

Muling namayagpag ang defending champions sa 21km men’s at 10km foreign categories sa idinaos na “3rd Takbo Para sa Karunungan” ng DZMM matapos nilang makuhang muli ang kampyenato sa takbong ginanap kahapon (Mar 23) sa Quirino Grandstand sa Maynila, kung saan higit sa 3,000 ang tumakbo para matulungan ang 75 na iskolar ng himpilan.

DZMM Takbo Para Sa Karunungan

Pinangunahan ng two-time Olympian at ngayo’y two-time DZMM “Takbo Para sa Karunungan” champion na si Eduardo Buenavista ang karera ng mga kalalakihan sa kategoryang 21km sa loob lamang ng 1 oras, 13 minuto at 21 segundo (01:13:21).

Muli ring tinanghal na pinakamabilis sa mga banyagang kalahok ang Kenyan na si Willy Rotich  na binaybay ang habang 10km sa oras na 32:57.

Pagdating naman sa mga kababaihan, nanguna si Luisa Raterta sa 21km women’s category sa oras na 01:33:09. Noong nakaraang taon, si Raterta ay nag-uwi rin ng parangal bilang third placer sa 10km women’s category.

Sina Richard Salano (33:20), Rene Herrera (34:26) at Orson Quisay(35:52) naman ang pinakamabibilis sa 10km race para sa mga lalaki, habang sina Jenysmyl Mabunga (41:37) na sinundan nina Michelle De Vera (45:00) at Jenelyn Jurdilla (46:41) naman ang pinakamabilis 10km race para sa mga babae.

Ilan pa sa mga nanguna iba’t-ibang kategorya sina Rafael Poliquit (16:07) at Dalya Camen (23:07) para sa 5km race; Roy Lumauag (13:23) at Nancy Lumauag (21:11) para sa 3km sprint para sa mga kabataang edad 6-9 anyos; at sina Alessandro Luciano (11:42) at Leonalyn Raterta (11:49) na nagwagi rin sa 3km sprint para naman sa 10-12 anyos bracket.

Ginawaran din ng DZMM ng special awards ang pinakamalaking grupo mula sa gobyerno (National Mapping and Resource Information Authority) at non-government organization (CFC ANCOP Tekton Foundation, Inc.). Sa ikatlong magkakasunod na taon naman ay muling kinilala ang 87-anyos na si FelixBelarmino na siyang pinakamatandang kalahok sa fun run.

Ilan lamang sa mga tanyag na personalidad na nakilahok ang DZMM ambassadors na sina Kim Atienza at Karylle kasama ang aktor na si Matteo Guidecelli, ABS-CBN Manila Radio Division Head na si Peter Musngi, at mga anchor ng DZMM na sina Ariel Ureta, Ahwel Paz, Winnie Cordero, Marisciel Yao, Claire Castro, at Carl Balita.

Ito na ang ika-14 na taon ng fun run ng DZMM, na isinagawa ang “Takbo Para sa Kalikasan” mula 1999 hanggang 2010 para maglikom ng pondo para sa mga proyektong pangkalikasan. Ngunit nitong 2011 ay pinagpatuloy ang proyekto bilang “Takbo Para sa Karunungan” para naman tumugon sa panibagong adhikaing isulong ng edukasyon.

Samantala, gagamitin ng DZMM ang pondong nakalap sa naturang proyekto sa pagpapaaral ng 75 iskolar ng himpilan na pinili mula sa Metro Manila at Cagayan de Oro na naging biktima ng mga bagyong Sendong, Ondoy at ng Habagat.

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates