Thursday, July 04, 2013

Cha-Cha Canete, kinatawan ng Pilipinas sa World Championship of Performing Arts

Ang katumbas ng “Olympics” sa mundo ng Performing Arts ay magsisimula sa Hunyo 12 hanggang 21, at ang isa sa mga minamahal nating batang artista na si Cha-Cha Canete ang magiging kalahok sa Junior Divison ng 17th World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Cha-Cha Canete

Si Cha-Cha ay kabilang sa award-winning comedy program ng ABS-CBN na “Goin’ Bulilit” at pati na rin sa “Biyaheng Bulilit” ng Studio 23 na nakatanggap ng Anak TV Award. Bukod sa kanyang patuloy na pagsikat sa showbiz ay honor student din si Cha-Cha sa kanyang paaralan, ang Diliman Preparatory School, kung saan siya ay nasa ikatlong baitang.

Sa darating na WCOPA, si Cha-Cha ang kinatawan ng Team Philippines bilang isang solo vocalist sa limang kategorya—ang Broadway, Pop, Gospel/Inspirational, Open at Original. Siya ang magiging pinakabatang Pinoy na sasali sa kompetisyon.

Nang tinanong siya tungkol sa kanyang nararamdaman, sabi niya, “Excited ako pero kinakabahan pa rin kasi ito ang unang kompetisyon na sasalihan ko…at sa Hollywood pa.” Ang mga tourist destination din na pwede nyang puntahan sa kanyang trip sa U.S. ay nagdadala rin ng kanyang pagka-excited. “Gusto ko rin makita ang Disneyland at Universal Studios,” sabi ni Cha-Cha.

Ang WCOPA ay ang nag-iisang premier international talent competition na nagaganap bawat taon sa showbiz capital ng mundo, ang Hollywood, California. Sasali ang higit pa sa 50 na bansa sa taon na ito.

Naging posible ang pagsali ni Cha-Cha sa WCOPA dahil sa Camella Homes at sa Moose Girl.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates