Wednesday, October 05, 2011

Gerald Anderson Stars in "Budoy" – Poster and Full Trailer

Pagbibidahan ni Gerald Anderson ang upcoming teleserye na "Budoy." Ipapalabas na ito simula sa Oktubre 10, 2011.

image

Ang ganda ng poster. Parang talagang abnormal si Gerald, na siyang papel niya sa naturang serye. Itinakwil siya rito ng kanyang tunay na pamilya dahil sa kanyang kalagayan, ngunit nakahanap siya ng totoong pagmamahal sa piling ng babaing umaruga sa kanya.

Maliban kay Gerald, kabilang din sa Budoy ang mga bigating artista tulad nina Zsa Zsa Padilla, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Jessy Mendiola, Enrique Gil, Dante Rivero, Barbara Perez, Gloria Sevilla at Janice de Belen. Sina Ruel Santos Bayani at Tots Sanches Mariscal ang mga direktor ng serye.

Thursday, September 08, 2011

Charice to Sing US Anthem in NFL's 9/11 Tribute

Muli'y kakantahin ng international Pinay singer na si Charice ang pambansang awit ng Amerika sa pagdiriwang ng National Football League (NFL) ng ika-sampung anibersaryo ng 9/11 attacks.

Si Charice ang napili ng NFL na kumanta ng "Star-Spangled Banner" sa Lingo, September 11, na natapat sa laban ng Jacksonville Jaguars at Tennessee Titans. Maliban sa pambansang awit, kakantahin din ni Charice ang patriotic song na "God Bless America."

Nauna na niyang kantahin ang "Star-Spangled Banner" noong 2009 sa opening ng laban ng Los Angeles Dodgers. Nakanta na rin niya ang "God Bless America" sa taon ding iyon sa Pre-Inaugural Ball ni US President Obama.

Sinasabing ang pagkakapili kay Charice na kumanta ng mga patriotic American songs na ito sa pagdiriwang ng isang mahalagang araw para sa mga Amerikano ay nagpapakita lamang na ang nangyaring trahedya noong September 11, 2001 ay hindi lamang sa Amerika nakaapekto kundi gayundin sa buong mundo.

Thursday, August 25, 2011

"Survivor Philippines" Season 4 Teasers

Panay-panay na ang paglalabas ng GMA ng mga teasers para sa nalalapit na pagsisimula ng Season 4 ng maituturing na pinakamatagumpay nilang reality show, ang Survivor Philippines.

image

Pero mas exciting pa rin ang seryeng ito noong si Paolo Bediones pa ang host. Okay din naman si Richard Gutierrez pero iba pa rin talaga si Paolo. Sayang nga lang at lumipat na siya sa bakuran ng TV5.

Below are the teasers of the upcoming reality show, courtesy of YouTube's pinayshare at GMAKapusoTeaser.

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates