Saturday, January 04, 2014

‘ASAP’, world-class ang salubong sa 2014

Sasalubungin ng “ASAP 19” ang taong 2014 na hitik na hitik sa world-class performances at production numbers ngayong Linggo (Enero 5) bilang selebrasyon ng ika-19 ng anibersaryo ng longest-running, top-rating, at trending musical variety show ng ABS-CBN.

image

Bukod sa mga unang pasabog ng “ASAP 19,” isang engrandeng all-star celebration din ang inihanda ng ASAP Kapamilya para sa ika-35 taon sa showbiz ng broadway diva na si Lea Salonga, kasama ang mga miyembro ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra

Kilig at katatawanan naman ang ipararamdam sa TV viewers sa back-to-back na sorpresang inihanda ng cast ng upcoming romantic-comedy sitcom ng ABS-CBN na “Home Sweetie Home” na pangungunahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga; at lead stars ng unang pelikula ng Star Cinema ngayong 2014 na “Bride For Rent” na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Maghandang mamangha sa natatanging ganda at talento ng mga Pinay sa production number nina Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida, Miss Supranational 2013 Mutya Datul, at Miss International 2014 Bea Rose Santiago.

Mapapatili naman ang mga kababaihan sa special New Year treat ng Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Jericho Rosales, at Jake Cuenca; at sa hindi dapat palampasing performance ng ASAP boy group na ‘Gimme 5’ na binubuo nina Nash Aguas, Brace Arquiza, Joaquin Reyes, John Bermundo, at Grae Fernandez.

Samantala, magle-level up ang hatawan sa “ASAP 19” dance floor sa pagbabalik ng supah hot clash dance segment nina Maja Salvador at Shaina Magdayao na ‘MASH;’ na susundan ng makapigil-hiningang Supahdance showcase nina Cristine Reyes, Jessy Mendiola, Nikki Gil, Iya Villania, Karylle, John Prats, Rayver Cruz, Bugoy Cariño, at Brenna Garcia, kasama ang hip-hop dance group na Philippine All Stars.

Tunghayan din ngayong Linggo ang makatindig-balahibong concert experience na ihahatid nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Charice, Erik Santos, Jed Madela, KZ Tandingan, Richard Poon, Abra, Kean Cipriano, Princess, Janice Javier, at Radha; ang astig na rock performance nina Bamboo, Yeng Constantino, at Tutti Caringal; at ang makalaglag-pangang ‘voice’ showdown nina Angeline Quinto, Morisette Amon, at Klarisse de Guzman.

Salubungin ang 2014 na puno ng saya sa consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, “ASAP 19,” ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita sa ABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.

Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official social networking accounts ng “ASAP 19″ sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAP19.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates