Friday, January 10, 2014

'Home Sweetie Home' pilot episode, panalo sa ratings

Magandang first impression ang naihatid ng pinakabagong sitcom ng Kapamilya Network na “Home Sweetie Home” sa pag-pilot nito noong nakaraang Linggo (Enero 5), kung saan nag-numero uno kaagad ang show nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa ratings.


Base sa datos mula sa Kantar Media, pumalo ng 19.9% ang “Home Sweetie Home,” kaya nanalo ito sa TV ratings sa mga urban at rural area. Maganda rin ang feedback na natanggap ng pilot episode mula sa social media, kung saan nagkaroon ng instant fans ang loveteam nina John Lloyd at Toni.

Sa darating na Linggo (Enero 12), huwag palampasin ang isa pang nakakakilig na episode ng “Home Sweetie Home,” kung saan idedetalye ang love story nina Romeo (John Lloyd Cruz) at Julie (Toni Gonzaga)—mula sa mga problemang kanilang nalampasan hanggang sa pagkakaroon ng kakaibang klaseng kasal.

Alamin kung paano na-in-love at nagkatuluyan ang dalawa sa susunod na episode ng “Home Sweetie Home,” na umeere tuwing Linggo pagkatapos ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Samantala, mas matindi talaga ang saya nitong 2014 lalo na’t kasama pa rin ang barkada ng Banana Split sa mga Kapamilya comedy show. Mas mapapaaga ang tawanan sa “Banana Split: Extra Scoop” tuwing Sabado pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya”.

Isang special episode naman ang handog ng weekday night show na “Banana Nite” next week kung saan haharapin na ni Jayson “Tito Vhoy” Gainza ang showbiz personality na ini-impersonate niya—ang King of Talk na si Boy Abunda.

Panoorin ang “Banana Split: Extra Scoop” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” at ang “Banana Nite” tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Bandila”.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates