Thursday, January 31, 2013

Vhong Navarro, insecure sa “It’s Showtime” co-host na si Billy Crawford?

Guest sa “Toda Max” ngayong Sabado (February 2) si Billy Crawford kung saan magtatagisan sila ni Vhong Navarro ng galing sa pagluluto at pagba-basketball para ma-impress si Angel Locsin.

Vhong Navarro and Billy Crawford

Nang tanungin si Vhong kung may ganito bang kumpitensya sa kanilang dalawa ng “It’s Showtime” co-host, kanya itong agad na itinanggi. “Ay, wala pong ganoon dahil sa It’s Showtime, magkakapatid kami at magkakasangga. Wala pong kahit na anong inggit or insecurity,” ani Vhong.

Bagong OPM Hits Ibibida sa “Himig Handog P-Pop Love Songs”

Bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng 60 taon ng Philippine television, muling inilunsad ng ABS-CBN at Star Records ang pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa, ang “Himig Handog” na ngayong 2013 ay may temang “P-Pop Love Songs: Mga Awit at Kwento ng Pusong Pilipino.”

Himig Handog P-Pop Love Songs

Sa ikalimang taon ng “Himig Handog,” 2,500 original compositions ang natanggap galing sa mga Filipino composer sa iba’t ibang bahagi ng mundo. At mula sa libo-libong song entries na ito, 12 obra maestra ang napili bilang “Himig Handog P-Pop Love Songs” finalists kabilang ang “Alaala” nina Ma. Fe Mechenette Tianga, Melvin Huwervana, at Joel Jabot Jr. ng Iloilo; “Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa” ni Jovinor Tan ng Malabon; “If You Ever Change Your Mind” ni Marion Aunor ng Makat Cityi; “Hanggang Wakas” ni Soc Villanueva ng Australia; “Kahit Na” ni Julius James de Belen ng Quezon City; “Nasa Iyo Na Ang Lahat” ni Jungee Marcelo ng Pasig City; “One Day” ni Agatha Obar Morallos ng Baguio City; “Pwede Bang Ako Na Lang Ulit” ni Jeffrey Cifra ng Cavite; “Sana’y Magbalik” ni Arman Alferez ng Caloocan; “Scared To Death” ni Domingo Rosco Jr. ng Bohol; “Tamang Panahon” ni Wynn Andrada ng Makat City; at “This Song Is For You” ni Jude Gitamondoc ng Cebu City.

Friday, January 18, 2013

Pagbubuntis ni Sarah Lahbati, halata na?

Tila ilang buwan na ang pagbubuntis ni Sarah Lahbati base sa promotional photo na inilabas ng Regal Films para sa pelikulang Seduction na pinagbibidahan niya kasama ang boyfriend na si Richard Gutierrez at Solenn Heussaff. Pero buntis nga ba o dahil lang sa damit na suot n’ya kaya nagmukhang buntis?

Sarah Lahbati, Richard Gutierrez and Solenn Heussaf

According to reports, umalis noong Lingo si Sarah kasama ang kanyang ina papuntang Switzerland. Iyon ay sa kabila ng mga demandang kinakaharap niya na isinampa ng GMA-7 at ng network executive na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates