Thursday, November 08, 2012

“Ina Kapatid Anak” pasok agad sa Top 15 shows sa unang buwan nito

Sa tindi ng suporta ng TV viewers sa bagong Kapamilya family drama series na “Ina Kapatid Anak,” namayagpag agad ito bilang ikaanim na pinakatinutukang TV program sa buong Pilipinas noong buwan ng Oktubre.

Ina Kapatid Anak

Base sa datos ng Kantar Media, no. 6 sa listahan ng top 15 most-watched shows ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador taglay ang average national TV rating na 27.8%.

Chris Tiu and Nikki Gil talk about their busy college days in Chalk Nov 2012

Ngayong Nobyembre, magsisilbing role models sa kabataan sina Chris Tiu at Nikki Gil sa pamamagitan ng pagtalakay nila sa buhay nila bilang estudyante at artista.

Chris Tiu and Nikki Gil on Chalk Nov 2012

Para kay Nikki, hindi sapat ang 24 oras bilang working student. “Sobrang hirap po talaga. May mga araw na wala po akong tulog at minsan pumupunta ako sa library para doon magpahinga,” pag-amin ng Kapamilya singer/actress.

Tuesday, November 06, 2012

“Pahiram Ng Sandali” magsisimula na sa Nobyembre 26

Dahil hindi umubra sa ating mga kapatid na Muslim ang kwento ng “Haram” na dapat sana’y unang pagtatambal ni Dingdong Dantes at Kylie Padilla, gumawa na lamang ang GMA-7 ng panibagong project for the cast and crew of the shelved teleserye. At eto na nga ang bagong aabangan sa Kapuso Network - “Pahiram Ng Sandali.”

Pahiram Ng Sandali

May temang May-December affair ang kwento dahil mai-in love ang karakter ni Lorna Tolento sa karakter ni Dingdong. To make it more complicated, in love din ang karakter ni Kylie sa kinababaliwan ng kanyang ina!

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates