Friday, January 18, 2013

Pagbubuntis ni Sarah Lahbati, halata na?

Tila ilang buwan na ang pagbubuntis ni Sarah Lahbati base sa promotional photo na inilabas ng Regal Films para sa pelikulang Seduction na pinagbibidahan niya kasama ang boyfriend na si Richard Gutierrez at Solenn Heussaff. Pero buntis nga ba o dahil lang sa damit na suot n’ya kaya nagmukhang buntis?

Sarah Lahbati, Richard Gutierrez and Solenn Heussaf

According to reports, umalis noong Lingo si Sarah kasama ang kanyang ina papuntang Switzerland. Iyon ay sa kabila ng mga demandang kinakaharap niya na isinampa ng GMA-7 at ng network executive na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Marami ang naniniwala na ang pag-alis ni Sarah ay dahil gusto nitong itago ang pagbubuntis.

Sa isang interview naman, nasabi ni Richard na hindi pa daw alam kung kailan ang balik sa bansa ng kanyang girlfriend, kaya siya na lamang ang dadalaw dito sa Pebrero pagkatapos ng premiere night ng kanyang pelikula with Marian Rivera.

Ang Seduction, na dinerek ni Peque Gallaga, ay mapapanood na sa January 30.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates