Saturday, January 04, 2014

‘Sakto’ nina Amy Perez at Marc Logan, papalit sa iniwang radio program ni Korina Sanchez

Iba’t-ibang usapin tungkol sa lipunan at buhay pamilya ang tatalakayin ng kwelang tambalan nina “Kaka” Marc Logan at “Chang” Amy Perez tuwing umaga sa pinakabagong magazine-talk show na “Sakto” sa DZMM simula ngayong Lunes (January 6).

Amy Perez and Marc Logan - Sakto

Sina Marc at Amy na nga ang bagong kasangga ng mga tagapakinig na maghahain ng eksaktong impormasyon at kwentuhan na hahaluan pa ng halakhakan. Tiyak na maganda ang gising ng bawat isa sa “Sakto” dahil nag-uumapaw ito sa mga kwentong bida ang masa, nakakaaliw na segments, at diskusyunang kakapulutan ng aral.

Isa sa segments nito ang “Panalo Ka Diyan” kung saan pwedeng ipagmalaki ng mga magulang ang tagumpay at kahit anong achievements ng kanilang mga anak.

Hindi naman pahuhuli ang mga haligi at ilaw ng tahanan dahil sila naman ang bibida sa “’Tay Naman” at “’Nay Ko Po.”

Sagot na rin nina Marc at Amy ang mga ideya para sa weekly budget at recipe ng mag-anak sa segment na “Lutong Bahay,” habang itatampok naman sa “Guest Who” ang ilan sa mga tumi-trending na personalidad.

Bukod riyan, masasaksihan din ang pagiging tunay na ama at ina nina Marc at Amy dahil sila mismo ang magbibigay ng solusyon sa mga pangkaraniwang problema ng kapwa nila mga magulang.

Samantala, sa pagpasok ng tambalan nina Marc at Amy sa “Sakto” ay ang paglisan ni Korina Sanchez at ng programa niyang “Rated Korina.” Pansamantala munang mawawala sa ere si Korina nang sa gayon ay matutukan niya ang kanyang pag-aaral. Kalahati pa lamang ng taong 2013 ay ipinaalam na ni Korina sa management ang plano niyang ito.

Para sa kumpletong kwento, tumutok lamang sa “Sakto” na mapapanood simula Lunes hanggang Biyernes, 10AM, sa DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), o sa online livestreaming sa dzmm.com.ph. Para sa updates, sundan ang @DZMMTeleradyo sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/DZMMTeleRadyo. Maaari ring ipahayag ang inyong komento gamit ang hashtags na #FunFunChang at #FunFunKaka.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates