Thursday, January 31, 2013

Vhong Navarro, insecure sa “It’s Showtime” co-host na si Billy Crawford?

Guest sa “Toda Max” ngayong Sabado (February 2) si Billy Crawford kung saan magtatagisan sila ni Vhong Navarro ng galing sa pagluluto at pagba-basketball para ma-impress si Angel Locsin.

Vhong Navarro and Billy Crawford

Nang tanungin si Vhong kung may ganito bang kumpitensya sa kanilang dalawa ng “It’s Showtime” co-host, kanya itong agad na itinanggi. “Ay, wala pong ganoon dahil sa It’s Showtime, magkakapatid kami at magkakasangga. Wala pong kahit na anong inggit or insecurity,” ani Vhong.

“May kanya-kanya naman po kasi kaming talento. Halimbawa, maliban sa pagsasayaw, si Billy mas sanay kumanta, ako naman mas sanay magpatawa,” aniya.

Ngunit uubra kaya silang dalawa pagdating sa pagpapa-impress kay Isabel (Angel) sa “Toda Max”? Upang patunayan na siya talaga dapat ang piliin ni Isabel, hahamunin ni Pao (Billy) si Justin (Vhong) sa isang laro ng basketball. Mag-aala “Princess and I” ang tatlo kung saan pati ang mga nanonood ay mahahati sa ‘Team Pao’ at ‘Team Justin’. Sino kaya ang pipiliin ni Princessa Isabel?

Alamin ‘yan sa ala-Princess and I episode ng “Toda Max” ngayong Sabado (February 2) pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates