Thursday, January 31, 2013

Bagong OPM Hits Ibibida sa “Himig Handog P-Pop Love Songs”

Bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng 60 taon ng Philippine television, muling inilunsad ng ABS-CBN at Star Records ang pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa, ang “Himig Handog” na ngayong 2013 ay may temang “P-Pop Love Songs: Mga Awit at Kwento ng Pusong Pilipino.”

Himig Handog P-Pop Love Songs

Sa ikalimang taon ng “Himig Handog,” 2,500 original compositions ang natanggap galing sa mga Filipino composer sa iba’t ibang bahagi ng mundo. At mula sa libo-libong song entries na ito, 12 obra maestra ang napili bilang “Himig Handog P-Pop Love Songs” finalists kabilang ang “Alaala” nina Ma. Fe Mechenette Tianga, Melvin Huwervana, at Joel Jabot Jr. ng Iloilo; “Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa” ni Jovinor Tan ng Malabon; “If You Ever Change Your Mind” ni Marion Aunor ng Makat Cityi; “Hanggang Wakas” ni Soc Villanueva ng Australia; “Kahit Na” ni Julius James de Belen ng Quezon City; “Nasa Iyo Na Ang Lahat” ni Jungee Marcelo ng Pasig City; “One Day” ni Agatha Obar Morallos ng Baguio City; “Pwede Bang Ako Na Lang Ulit” ni Jeffrey Cifra ng Cavite; “Sana’y Magbalik” ni Arman Alferez ng Caloocan; “Scared To Death” ni Domingo Rosco Jr. ng Bohol; “Tamang Panahon” ni Wynn Andrada ng Makat City; at “This Song Is For You” ni Jude Gitamondoc ng Cebu City.

Ang 12 song finalists ay bibigyang buhay ng ilan sa pinakamalalaking pangalan sa Philippine music industry kabilang sina Angeline Quinto na interpreter para sa awiting “One Day,” Aiza Seguerra para sa “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa,” Erik Santos para sa “This Song’s For You,” Yeng Constantino para sa “Alaala,” Juris para sa “Hanggang Wakas,” Toni Gonzaga para sa “Kahit Na,” Bugoy Drilon para sa “Pwede Bang Ako Na Lang Ulit,” Jovit Baldivino para sa “Sana’y Magbalik,” KZ Tandingan para sa “Scared To Death,” at Daniel Padilla para sa kantang “Nasa Iyo Na Ang Lahat.”

Dalawang batang songwriter-finalists naman ang interpreter ng sarili nilang komposisyon–sina Marion para sa kanyang awiting “If You Ever Change Your Mind” at si Wynn para sa obra niyang “Tamang Panahon.”

Bukod sa “Himig Handog P-Pop Love Songs” CD na mabibili na ngayon sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang, ang 12 song finalists ay mapapanood na rin sa mga music video nito na likha ng mga estudyante ng ilan sa mga pinakaprestiyosong unibersidad sa Pilipinas kabilang ang University of The Philippines, Ateneo de Manila University, De La Salle University, University of Santo Tomas, Polytechnic University of The Philippines, San Beda College, Far Eastern University, University Of The East – Caloocan, MINT College, Philippine Christian University, Adamson University, at Technological Institute of The Philippines. Ang mga music videos na likha ng mga kabataan ay unang mapapanood sa “Himig Handog Pinoy MYX special” sa MYX SkyCable channel 23 ngayong Biyernes (Pebrero 1) sa ganap na 6pm.

Tulad ng mga nakaraang “Himig Handog,” bukod sa grand prize ay may mga special awards na ibibigay para sa mga song finalists na pinili ng taumbayan. Maaaring suportahan ng fans ang favorite love songs nila sa iba’t ibang paraan. Para sa Star Records Buyer’s Choice, bumili lamang ng kopya ng “Himig Handog P-Pop Love Songs” CD sa mga leading record bar at mag-fill-up ng voting cards, o kaya naman ay i-download ang track sa http://www.apple.com/itunes. Para sa Tambayan’s Choice at MOR’s Choice, tumutok lamang sa Tambayan 101.9 at sa MOR stations nationwide at i-request ang paborito mong song finalist. Para naman sa TFC’s Choice, maaaring bumoto ang mga Kapamilya abroad sa http://www.tfc.tv. At para sa MYX Choice for Best Video, suportahan ang paboritong music video sa pomamagitan ng paboto rito o maaari ring mag-register sa www.myxph.com at piliin ang paborito mong “Himig Handog” music video. Ang deadline of voting para sa MYX Choice for Best Video ay sa Pebrero 23 (Sabado) sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Ang “Himig Handog P-Pop Love Songs” grand finals ay gaganapin sa Pebrero 24 (Sunday) sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City at mapapanood ito ng live sa ABS-CBN channel 2.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates