Saturday, March 23, 2013

Video ng hazing na kumalat sa internet, ibibisto ni Julius

Walang malay ang magulang ng katorse anyos na si Joseph na nalalagay pala ag anak nila sa alanganin hangga’t napanood nila ang isang video ng panghe-hazing na kumalat sa internet.

Julius Babao

Isisiwalat ni Julius Babao ang naturang video at ibibisto ang kuwento sa likod ng karahasan na nagaganap sa isang fraternity sa Pangasinan ngayong Lunes (Mar 25) sa “Pinoy True Stories: Bistado.”

Kitang-kita sa video ang pisikal na pang-aabuso sa mga kabataang nakaluhod at nakapiring pa habang sinasampal sampal at pinapalo ng isang paddle.

Nang kumalat ang video ay may isang nakapag-tip sa magulang ni Joseph na miyembro umano ng naturag grupo ang kanilang anak.

Laking gulat ng magulang ng biktimang si Joseph ng may nagsabing miyemrbo diumano ng nasabing grupo ang kanilang anak. Nang komprontahin ng ama ay sumambulat na nga ang katotohanan na hindi maikakaila sa mala-ubeng mga pasang nakita sa bandang hita ng binatilyo.

Dismayado ang magulang ni Joseph lalo pa’t wala sa pagkatao ng menor de edad ang sasali sa ganoong uri ng grupo dahil lumaki naman nitong magalang, palaaral, at matulungin sa kanyang magulang.

Bakit nga ba sumali si Joseph sa grupo? Paano ito inayudahan ni Julius? Sino ang mananagot sa isa na namang kaso ng hazing na ito?

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Lunes (March 25) sa “Pinoy True Stories: Bistado,” 4:45 p.m. sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

Abangan din ibang mga bagong “Pinoy True Stories” hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng “Engkwentro” ni Karen Davila tuwing Martes, “Saklolo” nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, “Demandahan” ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at “Hiwaga” ni Atom Araullo tuwing Biyernes.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates