Friday, September 06, 2013

Puppy love at pagkakaibigan, masusubukan sa ‘LUV U’ at ‘Goin’ Bulilit’

Ang mga paboritong child at teen stars ng Kapamilya network ay nasa stage na kung saannararanasan na nila ang pagseselos at puppy love na mapapanood sa LUV U at Goin’ Bulilit ngayong Linggo (Setyembre 8). Malampasan kaya nila ang iba pang mga problemang paparating sa kanilang coming-of-age?

LUV U cast

Mataas ang mga emosyon ng teens sa LUV U, lalo na ngayong nagdesisyon nang aminin ni Lexie (Alexa Ilacad) kay Marj (Mika dela Cruz) na may gusto siya sa school bad boy na si Benj (Nash Aguas). Hindi ito masabi ni Lexie kay Marj nang personal kaya naisip niyang i-text na lang ito. Ang kaso, kay Benj niya naipadala ang message. Kaya bang magawan ito ni Lexie ng paraan bago magka-isyu? At, may gusto rin kaya si Benj kay Lexie ngayon na palaging magkasama bilang study buddies sila ni Marj?

Miles Ocampo, Ella Cruz, Katrina Legaspi

Samantala, sa Goin’ Bulilit mapapanood ang episode na “18 Going 8” na kwento ng mga nag-graduate mula sa show na sina Miles Ocampo, Katrina Legaspi, Ella Cruz, at Igiboy Flores. Paparating na ang ika-18 na birthday ng tatlong babae, pero ang problema ay sabay-sabay sila magde-debut at ang common friend nila na si Igiboy ang gusto nilang lahat na maging escort sa party. Noong bata pa sila, dating magkakaibigan ang tatlong babae, pero nang dahil sa isang problema ay hindi na sila nagkakasundo. Alam ito ni Igiboy, at susubukang ayusin ang pagkakaibigan ng lahat—kaya tuloy magkaka-flashback sila sa panahon na bata pa silang lahat at walang mga problema sa kanilang pagsasama. Dito sa flashback mapapanood ang kanilang mga bulilit na bersyon na sina Casey, Bea, Mutya at Clarence.

Huwag palampasin ang mga susunod na episode ng LUV U at Goin’ Bulilit, na mapapanood sa Linggo Setyembre 8 sa ABS-CBN Channel 2.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates