Ngayong Nobyembre, magsisilbing role models sa kabataan sina Chris Tiu at Nikki Gil sa pamamagitan ng pagtalakay nila sa buhay nila bilang estudyante at artista.
Para kay Nikki, hindi sapat ang 24 oras bilang working student. “Sobrang hirap po talaga. May mga araw na wala po akong tulog at minsan pumupunta ako sa library para doon magpahinga,” pag-amin ng Kapamilya singer/actress.
Naranasan din ito ng varsity player na si Chris dahil pinagsasabay niya ang paglalaro ng basketball at pag-aaral para sa kanyang kursong Management Engineering. “Kailangan ko talaga mag-prioritize,” ani Chris.
Kilalanin pa sina Chris at Nikki sa isyu ng Chalk ngayong buwan. Mababasa rin sa numero unong campus magazine ang tungkol sa mga kabataang may sikat na apelyido tulad nina Janine Gutierrez, Kiana Valenciano, Kobe at Andre Paras, at Clarice Patrimonio. Tampok rin sa magazine ang gift guide para sa Christmas shopping, makeup looks ng mga artista sa Hollywood, tips upang magkaroon ng katawang mala-artista, at marami pang iba.
Samantala, nagdaos ang Chalk Magazine ng isang thanksgiving party na pinamagatang “We’ve Got Game” The Big October Issue Blow-out” sa Aracama Bar and Restaurant sa Fort Strip kamakailan. Pinuntahan ang pagdiriwang ng mga fashion enthusiasts at mga artistang tulad nina Andie Eigenmann, Megan Young, I.C. Mendoza, Mike Concepcion, Nicole Anderson, at Victor Silayan. Mayroon din sorpresang video ng pasasalamat mula sa October issue cover girl na si Jasmine Curtis- Smith.
Maaari nang mabili ang November isyu ng Chalk Magazine sa mga newsstands at bookstores nationwide. I-like ang Chalk sa Facebook sa http://www.facebook.com/chalkmagazine at sundan sila sa Twitter @chalkmagazine at Tumblr sa http://chalkmagazine.tumblr.com. Available na rin i-download ang bagong Chalk App sa iTunes sa https://itunes.apple.com/app/chalk-magazine/id56781831?mt=8
0 comments:
Post a Comment