Dahil hindi umubra sa ating mga kapatid na Muslim ang kwento ng “Haram” na dapat sana’y unang pagtatambal ni Dingdong Dantes at Kylie Padilla, gumawa na lamang ang GMA-7 ng panibagong project for the cast and crew of the shelved teleserye. At eto na nga ang bagong aabangan sa Kapuso Network - “Pahiram Ng Sandali.”
May temang May-December affair ang kwento dahil mai-in love ang karakter ni Lorna Tolento sa karakter ni Dingdong. To make it more complicated, in love din ang karakter ni Kylie sa kinababaliwan ng kanyang ina!
Magsisimula na sa November 26 ang bagong programang ito na maituturing na comeback project ni Lorna sa Kapuso Network. Huli s’yang nakita bilang isa sa mga hurado ng “Artista Academy” sa TV5.
Nasa cast din ang isa pang premyadong aktor na si Christopher de Leon, pati na rin sina Alessandra de Rossi, Sandy Andolong at Mark Gil.
Mga beteranong artista ang support nina Dingdong at Kylie. At sa hatak sa TV audience ng dalawa, ang “Pahiram Ng Sandali” ay masasabing isang potential na TV hit kapag umere na ito.
0 comments:
Post a Comment