Sa tindi ng suporta ng TV viewers sa bagong Kapamilya family drama series na “Ina Kapatid Anak,” namayagpag agad ito bilang ikaanim na pinakatinutukang TV program sa buong Pilipinas noong buwan ng Oktubre.
Base sa datos ng Kantar Media, no. 6 sa listahan ng top 15 most-watched shows ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador taglay ang average national TV rating na 27.8%.
Ang primetime series na nagsimulang umere noong Oktubre 8 ay nagtatampok rin kina Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Jayson Gainza, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Guiterrez.
Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin.
Patuloy na tutukan ang mas mga umiigting na tagpo sa kuwento ng pakikipaglaban para sa karapatan sa “Ina Kapatid Anak,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Princess and I” sa ABS-CBN Primetime Bida.
0 comments:
Post a Comment