Wednesday, August 21, 2013

Jericho Rosales tries comedy in ‘Goin’ Bulilit’

Ang internationally-acclaimed at award-winning na aktor na si Jericho Rosales ay makikisaya at maghahatid ng katatawanan kasama ang mga paboritong bulilit ng bansa ngayong Linggo (Agosto 25) sa “Goin’ Bulilit.”

Jericho Rosales with kids of Goin' Bulilit

Nakatanggap na si Echo ng maraming award at nominasyon para sa iba’t ibang pelikula at tv shows na pinagbidahan niya at karamihan dito ay mga drama o aksyon.

Dahil sa kanyang kagalingan, kilalang kilala na si Echo bilang mahusay na artista, lokal man o abroad.

Ngayong Linggo naman ay magpapatawa si Echo sa numero unong kiddie gag show ng bansa gamit ang mga dentist-themed na gag at sketch at marami pang iba.

Huwag palampasin ang pag-ge-guest star ni Echo sa “Goin’ Bulilit” sa Linggo (Agosto 25) sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng “TV Patrol Weekend.”

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates