Saturday, August 31, 2013

Kuya Kim, magpapaka-weird sa ‘Matanglawin’

Sasabak si Kuya Kim sa isang naiibang adventure  sa kanyang pagtuklas sa mga weirdong  kaganapan, tao, at maging mga hayop ngayong Linggo (Sep 1) sa “Matanglawin.”

Matanglawin

Bubusisiin ng nag-iisang Trivia King ng bansa ang naiibang lagay ng panahon tulad ng 72-mudfish rain sa Agusan del Sur patin na rin ang orange na niyebe sa Siberia at tinaguriang blood-red river sa Yangtze.

Hindi pa nagtatapos diyan ang mga pasabog dahil makikilala ni Kuya Kim ang Straw King ng bansa na susubuking talunin ang Guinness World Record sa pamamagitan ng paglalagay ng 410 drinking strawa sa kanyang bibig. Magpapakitang gilas din si Nene Ederly na kaya namang humatak ng multicab gamit ang kanyang bibig at humatak din ng van gamit ang kanyang buhok.

Matanglawin

Samantala, naiibang trip naman ang hatid nina JB Carrasco at Kim Bantigue na ipinahahayag ang kanilang personalidad sa pamamagitan ng mga tattoo at hikaw sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi naman magpapahuli ang mga hayop dahil ipapakilala ni Kuya Kim ang isang ibon na may dibdib na sinlaki ng basketball at kabayong hindi lang iisang kulay ang balat kung hindi stripes.

Lahat ng iyan matutunghayan ngayong Lingo (Sep 1) sa “Matanglawin,” 9:45 AM sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates