Saturday, August 31, 2013

Gerald, Dawn at iba pang cast ng ‘Bukas Na Lang Kita Mamahalin’, paiibigin ang ‘ASAP 18’ viewers

Pakakawalan ng “ASAP 18” ngayong Linggo (Setyembre 1) ang isang bonggang pagsalubong sa buwan ng Setyembre na pangungunahan ng grand launch ng pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Diana Zubiri, Tonton Gutierrez, Dina Bonnevie, at Dawn Zulueta.

Dawn Zulueta, Gerald Anderson for 'Bukas Na Lang Kita Mamahalin'

Bukod sa grand launch ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” magdadagdag-kulay at kasiyahan din sa ‘attack of the ‘80s’ celebration ng “ASAP 18” ang reunion ng ‘80s singing group na ‘The Triplets’ na binubuo nina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz; at ang hindi dapat palampasing performance ng ‘80s OPM legend na si Freddie Aguilar.

Mapapa-indak naman ang lahat kasama ng phenomenal box office star na si Vice Ganda sa pagtampok sa latest dance craze na ‘Whoops Kiri;’ at sa pagrampa ng Miss World Philippines 2013 at Kapamilya actress na si Megan Young.

Ultimate kilig naman ang ipararamdam sa TV viewers ngayong Linggo sa paglulunsad ng kauna-unahang album ni Enrique Gil na ‘King of the GIL;’ at sa back-to-back production numbers ng tinitiliang Kapamilya love triangles kabilang sina Enrique, Julia Montes, at Enchong Dee ng “Muling Buksan Ang Puso;” at ang inaabangang team up nina Julia Barretto, Diego Loyzaga, and Kiko Estrada.

Samantala, sumunod sa galaw at makisabay sa makapigil-hiningang smash up dance number ng Kapamilya teen stars na sina Kathryn Bernardo, Janella Salvador, Jane Oineza, Francis Magundayao, Jairus Aquino, at Khalil Ramos; at sa nakahahawang dance moves nina Kim Chiu, Shaina Magdayao, Maja Salvador, Nikki Gil, at John Prats sa ‘Supahdance.’

Best of the ‘80s music naman ang ibibida sa concert stage sa show-stopping concert treat na inihanda nina Gary Valenciano, Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Jed Madela, Yeng Constantino, Angeline Quinto, at ng ASAP Sessionistas; na susundan ng astig na rock collaboration nina Bamboo, Kean Cipriano, at Paolo Valenciano.

Samahan ang buong ASAP Kapamilya sa pagbubukas ng buwan ng Setyembre sa consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, “ASAP 18,” alas-dose ng tanghali sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates