Posible ba ang isang ordinaryong buhay para sa isang ekstra-ordinaryong babae? Anong halaga ng pagmamahal ng isang pamilya para sa isang dalagang walang ibang hangad kundi tanggapin siya ng lipunang ginagalawan niya?
Ngayong Setyembre, masisilayan na ng TV viewers ng ABS-CBN ang makamandag na ganda ni “Galema: Anak ni Zuma.” Bibigyang buhay ang classic Pinoy komiks character na ito ng Kapamilya actress na si Andi Eigenmann.
Ang “Galema: Anak ni Zuma” ay halaw sa sikat na serye sa komiks ni Jim Fernandez na mas naging popular sa masa ng maisapelikula ito noong 1985 at pinagbidahan ng aktres na si Snooky Serna.
Ngayong 2013, bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas, muling ipakikila sa TV viewers si “Galema: Anak ni Zuma” na malapit nang mapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Ang inaabangang TV remake ay sa ilalim ng direksyon ng award-winning at box-office director na si Wenn V. Deramas.
Ang “Galema: Anak ni Zuma” ay kwento ng mabait na dalaga na si Galema (Andi) na minana ang sumpa ng kanyang ama na si Zuma–ang pagkakaroon ng kambal na ahas sa kanyang balikat.
Makakasama ni Andi sa “Galema: Anak ni Zuma” sina Matteo Guidicelli, Meg Imperial, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, at ipinakilala si Derick Hubalde bilang si Zuma
Tuklasin ang naiibang kamandag ni “Galema: Anak ni Zuma,” ngayong Setyembre na sa ABS-CBN.
0 comments:
Post a Comment