Friday, September 06, 2013

Jake at Jason, tataya para kay Jessy

Madalas na piliin ng contestant sa “Kapamilya Deal or No Deal” ang briefcase na may may parehong numero ng kanyang kaarawan ngunit para kina Jake Cuenca at Jason Abalos, kaarawan ng kanilang leading lady sa “Maria Mercedes” na si Jessy Mendiola ang napagkasunduan nilang piliin.

Jake Cuenca, Jason Abalos in Kapamilya Deal Or No Deal

Ngayong Sabado (Sep 7), tataya ang dalawa sa briefcase number 3 sa pag-asang maiuwi ang milyon sa hit Kapamilya game show.

Bago pa man sila maglaban sa puso ni Jessy bilang si Mercedes, ay magkasangga munang hahamunin nina Jake at Jason si Banker pagdating sa tawaran.

Swertehin kaya sila sa napiling briefcase? Mauwi kaya nila ang jackpot?

Huwag palalampasin ang “Kapamilya Deal or No Deal” ngayong Sabado (Sep 7) kasama ang host na si Luis Manzano, pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates