Wednesday, November 12, 2014

'Past Tense' - Full Trailer

Ang Past Tense ay pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim at Ai-Ai De Las Alas sa ilalim ng direksiyon ni Mae Cruz-Alviar. Produced by Star Cinema, showing ang pelikula simula November 6, 2014

Video: YouTube (ABS-CBN Star Cinema)

Friday, January 10, 2014

'Home Sweetie Home' pilot episode, panalo sa ratings

Magandang first impression ang naihatid ng pinakabagong sitcom ng Kapamilya Network na “Home Sweetie Home” sa pag-pilot nito noong nakaraang Linggo (Enero 5), kung saan nag-numero uno kaagad ang show nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa ratings.


Base sa datos mula sa Kantar Media, pumalo ng 19.9% ang “Home Sweetie Home,” kaya nanalo ito sa TV ratings sa mga urban at rural area. Maganda rin ang feedback na natanggap ng pilot episode mula sa social media, kung saan nagkaroon ng instant fans ang loveteam nina John Lloyd at Toni.

Saturday, January 04, 2014

‘ASAP’, world-class ang salubong sa 2014

Sasalubungin ng “ASAP 19” ang taong 2014 na hitik na hitik sa world-class performances at production numbers ngayong Linggo (Enero 5) bilang selebrasyon ng ika-19 ng anibersaryo ng longest-running, top-rating, at trending musical variety show ng ABS-CBN.

image

Bukod sa mga unang pasabog ng “ASAP 19,” isang engrandeng all-star celebration din ang inihanda ng ASAP Kapamilya para sa ika-35 taon sa showbiz ng broadway diva na si Lea Salonga, kasama ang mga miyembro ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra

‘Sakto’ nina Amy Perez at Marc Logan, papalit sa iniwang radio program ni Korina Sanchez

Iba’t-ibang usapin tungkol sa lipunan at buhay pamilya ang tatalakayin ng kwelang tambalan nina “Kaka” Marc Logan at “Chang” Amy Perez tuwing umaga sa pinakabagong magazine-talk show na “Sakto” sa DZMM simula ngayong Lunes (January 6).

Amy Perez and Marc Logan - Sakto

Sina Marc at Amy na nga ang bagong kasangga ng mga tagapakinig na maghahain ng eksaktong impormasyon at kwentuhan na hahaluan pa ng halakhakan. Tiyak na maganda ang gising ng bawat isa sa “Sakto” dahil nag-uumapaw ito sa mga kwentong bida ang masa, nakakaaliw na segments, at diskusyunang kakapulutan ng aral.

Tuesday, November 19, 2013

ABS-CBNmobile, aalalay sa mga biktima ng Yolanda sa pamamagitan ng pamimigay ng 100,000 SIM cards

Sa panahon ng kalamidad, pinakamahalaga ang koneksyon sa isa’t isa upang masiguro ang daan patungo sa pagbangon.

image

Kaya naman aagapay ang ABS-CBN sa muling pag-ahon ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng pamimigay sa kanila ng libreng SIM cards ng mobile phone service nitong ABS-CBNmobile.

Saturday, November 16, 2013

‘Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?’ HD mapapanood na sa mga sinehan

Ang mas maganda at mas malinaw na kopya ng multi-awarded Filipino historical drama na “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?” ay mapapanood na sa mga piling sinehan simula ngayong linggo.

Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?

Muling saksihan ang obra ni Eddie Romero sa pangunguna nina Christopher De Leon, Gloria Diaz, at Eddie Garcia sa mga espesyal na screenings sa SM City North EDSA, SM Megamall, SM Manila, SM Fairview, Robinsons Galleria, Robinsons Metroeast, at Market Market.

Bagyong Yolanda, hihimayin sa ‘Matanglawin’ (Nov 17)

Ipapaliwanag ni Kuya Kim kung bakit nabuo ang bagyong kasinglakas ni Yolanda pati na rin ang kaakibat na peligrong dinala nito tulad ng storm surge na sumalanta sa bansa sa episode bukas (Nov 17) ng “Matanglawin.”

Kim Atienza

Bagamat inasahan ng lahat ang kanyang pagdating ay tila hindi pa rin naging sapat ang paghahanda ng mga Pilipino sa bagyong Yolanda sa mga nasalantang lugar dahil ngayon lang nagkaroon ng ganito kalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo.

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates