Ipapaliwanag ni Kuya Kim kung bakit nabuo ang bagyong kasinglakas ni Yolanda pati na rin ang kaakibat na peligrong dinala nito tulad ng storm surge na sumalanta sa bansa sa episode bukas (Nov 17) ng “Matanglawin.”
Bagamat inasahan ng lahat ang kanyang pagdating ay tila hindi pa rin naging sapat ang paghahanda ng mga Pilipino sa bagyong Yolanda sa mga nasalantang lugar dahil ngayon lang nagkaroon ng ganito kalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo.
Para sa ilan, ito ay dulot ng pagbabago ng klima habang may ilang nagsasabi na ito ay likha ng tao gamit ang microwave pulse. Totoo nga kaya ito?
Samantala, hihimayin din ni Kuya Kim kung ano ba talaga ang mala-tsunaming storm surge na kumitil sa buhay ng maraming Pilipino.
Sapat na ba ang kaalaman ng tao para bumangga sa bangis ng kalikasan?
Huwag palalampasin ang “Matanglawin” bukas (Nov 17), 9:30 AM sa ABS-CBN.
0 comments:
Post a Comment