Kambal ang katatakutang hatid ni Atom Araullo ngayong Biyernes (Feb 8) sa “Pinoy True Stories: Hiwaga” dahil aalamin niya ang kababalaghang bumabalot sa tinatawag na “kambal na bahay.”
Sa loob ng maraming taon, nagsilbing tahanan para kay Jolo at sa kanyang pamilya ang “kambal na bahay.” Ito ay binansagang kambal dahil ito ay dalawang magkaibang bahay na may parehong istruktura pagdating sa loob.
Noong una ay pawang pagpaparamdam lang ang ginagawa ng mga ligaw na kaluluwa tulad ng pagpatay-sindi ng ilaw, pangangalabit, panghihila ng paa, at pagpapakita ng isang black lady. Kalaunan ay mas nakagigimbal na ang mga pangyayari tulad ng misteryosong pagkamatay ng kanilang mga alagang aso at maging ang sarili nilang kapatid na bigla ring pumanaw.
Patuloy pa rin sa paghahasik ng lagim ang hindi makitang mga kasama. Sa katunayan, isang araw bago isagawa ng ”Hiwaga” team ang panayam ay bigla umanong nagparamdam at inuga ng mga espiritu ang kama ni Jolo na animo’y nagbababala na ayaw nila tumanggap ng bisita.
Haunted house lang ba ang “kambal na bahay?” O may ibang dahilan ang mga kaluluwa kung bakit sila tila nais saktan ng mga ito?
Huwag palalampasin ang “Pinoy True Stories: Hiwaga,” sa pangunguna ng anchor na si Atom Araullo, ngayong Biyernes ng hapon (Feb 8), 4:45 p.m. pagkatapos ng “A Gentleman’s Dignity” sa ABS-CBN.
For more television, movie, and music updates, like/follow The Ultimate Fan on Facebook and Twitter.
0 comments:
Post a Comment