June 21, 22, and 23, 2013
Total Philippines (Urban + Rural)
Source: Kantar Media / TNS
June 21, 22, and 23, 2013
Total Philippines (Urban + Rural)
Source: Kantar Media / TNS
Kahit buhay pa si Aling Lilia, binubuyo na siya ng kanyang anak na si Mel na ibenta na ang pagmamay-ari nitong munting bahay at lupa at mapaghatian na nila ang makukuhang pera.
Ito ang masalimuot na awayang mag-ina na bubusisiin ni Karen Davila sa episode ng “Pinoy True Stories: Engkwentro” bukas (Hunyo 25) sa ABS-CBN.
Ang award-winning aktor at heartthrob na si Alden Richards ay handa na para ibigay sa mga manonood ang musikang nais nilang mapakinggan sa Hunyo 23 hanggang 29 bilang MYX Celebrity VJ.
Iho-host ni Alden ang show na “MY MYX”, kung saan pwede mag-request ang kanyang mga fans na mapatugtog ang kanilang paboritong mga kanta sa show na tunay na “Your Choice. Your Music.”
Ang sikat na Pinay volleyball player na si Gretchen Ho at ang beteranong host at producer na si Mia Cabalfin ay maghahatid ng bagong sports show, ang “Gameday Weekend” sa Balls Channel sa darating na Sabado (June 29).
Si Gretchen ay isang dating miyembro ng Ateneo Lady Eagles, at isa rin siya sa pinakasikat na babaeng atleta sa mga social networking site. Sa ngayon ay higit pa sa 150,000 ang mga follower niya sa Twitter pa lamang.
“Four Sisters and A Wedding” stars Bea Alonzo, Toni Gonzaga and Angel Locsin with Shaina Magdayao and Enchong Dee. Directed by Cathy Garcia-Molina, it opens in theaters on June 26, 2013.
Ang mga henyo sa harap at sa likod ng kamera ay nagsidatingan noong ika-18 ng Hunyo sa NBC Tent, Taguig para sa Gawad Urian Awards para malaman kung sino ang makakakamit ng mga titulong pruweba ng kahusayan sa mundo ng pelikulang Pinoy.
Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod:
NATIONAL TV RATINGS
June 5, 2013 – Wednesday
Total Philippines (Urban + Rural)
Source: Kantar Media / TNS
05 May 2013 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural) RatingsData: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
Source: Kantar Media / TNS
Mahahalagang aral tungkol sa pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng magandang asal sa eskwelahan ang ibabahagi ng “Wansapantaym” ngayong Sabado (Hunyo 8) sa back-to-school special na pinamagatang ‘Copy Kat.’
Iikot ang kwento ng ‘Copy Kat’ sa mabait at palaaral na estudyante na si Kat (Brenna Garcia) at sa pasaway na school bully na si Bea (Veyda Inoval).
Sa gitna ng dumadaming kaso ng pagpapakamatay sa Pilipinas, ibabahagi sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Hunyo 8) ang saloobin at pananaw ng mga magulang ng University of the Philippines Manila student at suicide victim na si Kristel Tejada na sina Christopher at Blesilda.
Sino nga ba ang kanilang sinisisi sa pagkamatay ng kanilang anak? Paano nga ba binago ng trahedyang sinapit nito ang buhay ng kanilang pamilya? Matapos ang halos tatlong buwan, kailan nga ba masasabi nina Christopher at Blesilda na nakamit na nila ang hustisya para kay Kristel?
Bilib na bilib ang orihinal na direktor ng Annaliza noong 80s na si Gil Soriano sa husay na ipinapakita ng rising teleserye princess na si Andrea Brillantes sa 2013 remake ng soap opera at binansagan pa niya angbatang aktres bilang susunod na Judy Ann Santos.
Sa thanksgiving party ng Annalizana ginanap kamakailan, todo papuri si Gil kay Andrea at sinabing, “Magaling siya. Tingin ko tatagal siya. Baka yan ang papalit kay Judy Ann Santos.”
Panoorin ang unang banggaan sa hardcourt ng Miami Heat at San Antonio Spurs sa game one ng inaabangang NBA Finals ngayong Biyernes (June 7) via satellite sa ABS-CBN, 9 AM.
Namigay ng libreng school supplies at gupit para sa mga batang lalaki ang international singer na si Charice isang araw matapos n’yang amining siya’y isang tomboy sa The Buzz.
Lilipad din s’ya patungong U.S. upang mag-record para sa isang Hollywood movie.
2nd StarStudio Celebrity Style Awards nominees:
Celebrity Fashion Muse
Sapilitang dinala sa motel at doon ay ginahasa. Ito ang bangungot na sinapit ng 25 anyos na si “Liza” sa kamay mismo ng kanyang kaibigan pitong taon na ang nakakaraan. Makamit niya pa kaya ang hustisya gayong malaya pa rin ang salarin?
Ngayong Lunes (Hunyo 3) sa “Pinoy True Stories: Bistado,” tutugisin ni Julius Babao ang suspek sa naturang krimen na si Samuel Mamerto.
Wagi bilang unang Ultimate Kalokalike ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” ang look-alike ni Christopher de Leon na si Jonathan Garcia noong Sabado (Hunyo 1) para sa kanyang pambihirang pagkakahawig sa beteranong aktor.
Bukod sa pagiging kamukha ni Christopher na siya ring naging dahilan sa pagkakapanalo niya ng special Picture Frame Award, nagpakitang gilas din si Jonathan sa pag-arte gaya ng kanyang iniidolong aktor sa talent portion ng Kalokalike grand finals.
Puno ng tensyon, tampuhan at iyakan ang “LUV U” kung saan isang masamang balita ang bubungad sa magpipinsang Camille (Miles Ocampo), April (Angeli Gonzalez) at Whitney (Kiray Celis).
Imbes kasi na sa susunod pang linggo ang lipad nila papuntang Singapore, inutos ng mga magulang nila na agahan ang kanilang flight ng isang linggo. Mabibigla at malulungkot naman ang buong barkada dahil dito. Para naman huwang masaktan sina JB (Marco Gumabao), Boom (CJ Navato) at Rocky (Igi Boy Flores), isisikreto ng girls ang totoong schedule ng alis nila. Paano kaya kapag magkabukuhan? Matanggap kaya ng boys ang biglaang paglisan ng girls?