Monday, June 24, 2013

Gretchen Ho at Mia Cabalfin, magho-host sa Balls Channel

Ang sikat na Pinay volleyball player na si Gretchen Ho at ang beteranong host at producer na si Mia Cabalfin ay maghahatid ng bagong sports show, ang “Gameday Weekend” sa Balls Channel sa darating na Sabado (June 29).

Gameday Weekend

Si Gretchen ay isang dating miyembro ng Ateneo Lady Eagles, at isa rin siya sa pinakasikat na babaeng atleta sa mga social networking site. Sa ngayon ay higit pa sa 150,000 ang mga follower niya sa Twitter pa lamang.

Si Mia Cabalfin naman ay naging bahagi na sa marami pang ibang show sa Balls Channel at sa Studio 23. Lumabas din siya sa News Central, The UFL Show, Touchline, Sports TV, at Gameday kasama ni Boom Gonzales.

Ang “Gameday Weekend” ay galing sa programang “Gameday” ni Boom Gonzales. Ang “Gameday Weekend” ay isang lifestyle na sports show na binuo ng Balls Channel kasama ang Rexona. Ito’y saktong sakto sa mga taong mahilig sa sports na may kagustuhang makadiskubre ng iba pang pwedeng gawin bukod sa kanilang mga nakasanayang sport. Mayroon itong mga features tungkol sa pinakabagong mga gadget at gear, interbyu sa mga fitness expert, at bukod sa lahat, mga ibang hobby na ginagawa ng mga sikat na atleta sa mundo ng sports.

Para mas lalong mapasaya ang “Gameday Weekend”, mayroon ding mga surprise guest na magho-host din kasama nina Gretchen at Mia. Bawat linggo ay may dadating na mga miyembro ng Philippine Azkals para ikwento ang kanilang sariling mga hobby at mga bagong pwedeng pagkaabalahan ng mga manonood.

Huwag palampasin ang unang episode ng “Gameday Weekend” sa darating na Sabado (Hunyo 29), 5:30 p.m. sa Balls Channel at sa Studio 23, 9:30 p.m. sa bawat Sabado at Linggo.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates