Thursday, June 06, 2013

Game 1 ng NBA Finals, mapapanood via satellite sa ABS-CBN

Panoorin ang unang banggaan sa hardcourt ng Miami Heat at San Antonio Spurs sa game one ng inaabangang NBA Finals ngayong Biyernes (June 7) via satellite sa ABS-CBN, 9 AM.

Mula sa matensyon series kontra Indiana Pacers, pasok na naman ang Miami Heat sa finals sa ikatlong magkakasunod na seasons. Susubukan ni LeBron James na mapabagsak ang Spurs sa tulong nina Wade, Bosh, at ng buong team para masungkit uli ng Heat ang kampeyonato. Magawa kaya ng big 3 at ng buong Heat na makuha ang back-to-back championship?

Samantala, mabilis naman na nadispatsa ng Spurs ang Memphis Grizzlies sa Western Conference Finals. Tatangkain nina Tim Duncan at ng Spurs na makuha ang ikalimang championship sa huling 15 taon. Matagal tagal din ang naging pahinga ng Spurs kaya naman inaasahang nasa perpektong kondisyon ito sa oras na harapin ang Miami. Makuha na kaya nila ang korona mula kay King James at maibalik sa San Antonio ang kampeyonato?

Tutukan ang game one ng NBA Finals sa pagitan ng Miami Heat at San Antonio Spurs sa Biyernes (June 7), 9 AM, via satellite sa ABS-CBN na may replay sa parehong araw sa ganap na 9 PM sa Studio 23. Nakakasa naman ang game two sa Lunes (June 10) at mapapanood via satellite sa ABS-CBN, 8 AM.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates