Sunday, June 02, 2013

Kaso ng rape, kakalampagin ni Julius Babao sa ‘Bistado’

Sapilitang dinala sa motel at doon ay ginahasa. Ito ang bangungot na sinapit ng 25 anyos na si “Liza” sa kamay mismo ng kanyang kaibigan pitong taon na ang nakakaraan. Makamit niya pa kaya ang hustisya gayong malaya pa rin ang salarin?

Julius Babao

Ngayong Lunes (Hunyo 3) sa “Pinoy True Stories: Bistado,” tutugisin ni Julius Babao ang suspek sa naturang krimen na si Samuel Mamerto.

Mapanagot kaya ni Julius ang naturang salarin? Sa kalaboso na ba ang bagsak niya matapos magpagala-gala sa loob ng mahabang taon? Ano ang magaganap sa muling paghaharap ni “Liza” at ng lalaking humalay sa kanya?

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Lunes (Hunyo 3) sa “Pinoy True Stories: Bistado,” 4:45 p.m. sa ABS-CBN.

Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

Abangan din ang iba pang “Pinoy True Stories” hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng “Engkwentro” ni Karen Davila tuwing Martes, “Saklolo” nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, “Demandahan” ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at “Hiwaga” ni Atom Araullo tuwing Biyernes.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates