Thursday, June 06, 2013

Mga bully sa eskwelahan, parurusahan sa ‘Wansapanataym’

Mahahalagang aral tungkol sa pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng magandang asal sa eskwelahan ang ibabahagi ng “Wansapantaym” ngayong Sabado (Hunyo 8) sa back-to-school special na pinamagatang ‘Copy Kat.’

Brenna Garcia and Veyda Inoval

Iikot ang kwento ng ‘Copy Kat’ sa mabait at palaaral na estudyante na si Kat (Brenna Garcia) at sa pasaway na school bully na si Bea (Veyda Inoval).

Dahil sa pang-aaway at pang-aasar ni Bea kay Kat, pagpapalitin ng mahiwagang rebulto ng paaralan ang pagkatao ng magkaklase at ipapararanas sa mga ito ang buhay ng isa’t isa. Titigilan na nga ba ni Bea na awayin si Kat at makikipagkaibigan na nga ba siya rito kapag natuklasan at naramdaman niya kung gaano kalungkot ang buhay nito?

Tampok din sa ‘Copy Kat’ episode sina Mickey Ferriols, Ramon Bautista, Pinky Amador, Fred Payawan, at Ian Galleguez. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Ferdie Aguas at direksyon ni Tots Sanchez-Mariscal.

Huwag palampasin ang storybook ng batang Pinoy, “Wansapanataym” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates