Thursday, June 06, 2013

Tunay na dahilan ng pagpapakamatay ni UP Manila student Kristel Tejada, tatalakayin sa ‘Bottomline’

Sa gitna ng dumadaming kaso ng pagpapakamatay sa Pilipinas, ibabahagi sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Hunyo 8) ang saloobin at pananaw ng mga magulang ng University of the Philippines Manila student at suicide victim na si Kristel Tejada na sina Christopher at Blesilda.

Boy Abunda

Sino nga ba ang kanilang sinisisi sa pagkamatay ng kanilang anak? Paano nga ba binago ng trahedyang sinapit nito ang buhay ng kanilang pamilya? Matapos ang halos tatlong buwan, kailan nga ba masasabi nina Christopher at Blesilda na nakamit na nila ang hustisya para kay Kristel?

Makialam sa mga isyung panlipunan at huwag palampasin ang 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.” Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates