Thursday, June 06, 2013

Andrea Brillantes binansagang susunod na Judy Ann Santos

Bilib na bilib ang orihinal na direktor ng Annaliza noong 80s na si Gil Soriano sa husay na ipinapakita ng rising teleserye princess na si Andrea Brillantes sa 2013 remake ng soap opera at binansagan pa niya angbatang aktres bilang susunod na Judy Ann Santos.

Andrea Brillantes

Sa thanksgiving party ng Annalizana ginanap kamakailan, todo papuri si Gil kay Andrea at sinabing, “Magaling siya. Tingin ko tatagal siya. Baka yan ang papalit kay Judy Ann Santos.”

Gil Soriano

Ipinahayag din ni Gil ang kanyang paghanga sa programa na mulingumantig at tinanggap ng sambayanan.

“Nagandahan ako. Sabi ko mukhang magre-rate ito,” ani Gil.

Palong- palo sa national TV ratings ang pilot week ng Annaliza at mas lalo pa itong tinututukan ng mga manonood sa lalo pang umiinit nitong mga tagpo.

Nag-krus na ng landas si Guido (Zanjoe Marudo) at Stella (KayeAbad) ng sabay nila bisitahin ang puntod ni Makoy (Carlo Aquino). Dito magsisimula ang pagkakaibigan na uusbong pa sa mas magandang pagtitinginan. Sa suporta ni Annaliza, buong loob na aalukin ni Guido si Stella ng kasal.

Tanggapin kaya ito ni Stella? Si Stella na kaya ang pinapangarapna ina ni Annaliza?

Huwag palalampasin ang pa Annaliza gabi-gabi,bago mag- TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.  Para sa mgaupdates, i-like ang official Facebook page nito sa   https://www.facebook.com/Annaliza2013  osundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates