Sunday, June 02, 2013

Christopher de Leon lookalike, wagi sa Ultimate Kalokalike ng It’s Showtime

Wagi bilang unang Ultimate Kalokalike ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” ang look-alike ni Christopher de Leon na si Jonathan Garcia noong Sabado (Hunyo 1) para sa kanyang pambihirang pagkakahawig sa beteranong aktor.

Christopher de Leon Kalokalike

Bukod sa pagiging kamukha ni Christopher na siya ring naging dahilan sa pagkakapanalo niya ng special Picture Frame Award, nagpakitang gilas din si Jonathan sa pag-arte gaya ng kanyang iniidolong aktor sa talent portion ng Kalokalike grand finals.

Bilang Ultimate Kalokalike ay mag-uuwi si Jonathan ng P300,000 at special celebrity treatment package. Siya rin ang ibinoto ng kanyang kapwa co-finalists bilang ang pinakamagaling sa pakikisama kung kaya’t nakuha niya ang BFF Award, o katumbas ng Mr. Congeniality sa larangan ng beauty pageants.

Itinanghal namang first runner-up ang Kalokalike ni Jinkee Pacquiao na si Sherylene Castor na nagkamit ng P200,000, samantalang second runner-up ang Kalokalike ni Julia Montes na si Learsi Gomez na wagi ng P100,000.

Kinilala rin ang Bottom Two na nakapasok sa Top Five Kalokalikes na sina international recording artist Adele at Kapuso host-actor na si Joey de Leon na nakakuha ng P50,000.

Bukod sa Top 5 Kalokalikes na masusing pinili ng panel of judges na binuo nina master impersonator Willie Nepumoceno, Jason “Tito Bhoy” Gainza, comedian na si Pooh, at Jhong Hilario, namahagi rin ng special awards ang “It’s Showtime” para sa mga natatanging Kalokalikes na malakas ang hatak sa madlang people.

Dahil sa paglikha ng matinding ingay sa social networking sites ay inihandog ang Trending Award sa Kalokalike ni Justin Bieber na siyang nagpa-trend din sa Twitter ng hashtag na #CliffHoganAsTheUltimateKalokalike. Texters’ Choice Award naman ang nakamit ng Kalokalike ni Vice Ganda na si Jay Failanga na siyang nakakuha ng pinakamaraming text votes mula sa mga manonood.

Samantala, ipinagkaloob din sa Kalokalike ni Julia Montes ang Kumarir Award para sa mas lumevel up pa niyang presentation, panggagaya, ayos, at kilos mula pa sa unang appearance nito sa programa hanggang sa grand finals.

Maging sa kahuli-hulihang showdown ng patok na look-alike contest ng “It’s Showtime” ay pinag-usapan ito online dahil nakuha ng hashtag na #UltimateKalokalike ang unang puwesto sa trending topics o pinaka-pinagusapang paksa sa micro-blogging site na Twitter sa buong mundo.

Manatiling manood ng “It’s Showtime,” 12:30PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates