Sunday, June 02, 2013

Goodbye na ba para sa mga boys at girls ng ‘LUV U’?

Puno ng tensyon, tampuhan at iyakan ang “LUV U” kung saan isang masamang balita ang bubungad sa magpipinsang Camille (Miles Ocampo), April (Angeli Gonzalez) at Whitney (Kiray Celis).

image

Imbes kasi na sa susunod pang linggo ang lipad nila papuntang Singapore, inutos ng mga magulang nila na agahan ang kanilang flight ng isang linggo. Mabibigla at malulungkot naman ang buong barkada dahil dito. Para naman huwang masaktan sina JB (Marco Gumabao), Boom (CJ Navato) at Rocky (Igi Boy Flores), isisikreto ng girls ang totoong schedule ng alis nila. Paano kaya kapag magkabukuhan? Matanggap kaya ng boys ang biglaang paglisan ng girls?

Alamin sa “LUV U” ngayong Linggo (Hunyo 2) na mapapanood sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng “ASAP 18.”

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates