Friday, November 08, 2013

‘Miss Universe 2013,’ mapapanood sa ABS-CBN at Velvet

Si Ariella Arida na nga kaya ang ikatlong Pilipinang magsusuot ng korona bilang Miss Universe?

Ariella Arida, Miss Philippines

Malalaman na ang kasagutan ngayong Linggo (Nov 10) sa inaabangang “Miss Universe 2013” na mapapanood live sa Velvet (SkyCable ch 53) sa ganap na 2 AM at may special telecast sa ABS-CBN ng 9 AM.

Talaga namang nakaabang na ang sambayanan sa kapalaran ng 24 anyos na dalagang tubong Laguna sa kumpetisyon lalo pa’t muntikan ng masungkit ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon ang korona noong nakarang taon.

Crowd favorite na maituturing si Ariella dahil madalas itong napapabilang sa top ten ng iba’t ibang sikat na pageant sites online. Ang kanyang “Truth or Dare” video interview sa YouTube rin ang nakakuha ng pinakamataas na hits.

Huling nakuha ng Pilipinas ang korona noon pang 1973 nang magwagi si Margarita “Margie” Moran. 40 taon na ang nakakalipas at simula noon ay first runner up na ang pinakamalapit na narating ng kandidata ng Pilipinas— si Miriam Quiambao noong 1991 at si Janine noong 2012.

Ngunit sa kabila ng mainit na pagtanggap ng marami sa pambato ng Pilipinas, nakasalalay pa rin an;g lahat sa kamay ng mga hurado na kinabibilangan ng lead vocalist ng Aerosmith na si Steven Tyler, kilalang chef na si Chef Nobu, gold medal figure skater na si Tara Lipinski, modelo at aktres na si Carol Alt, supermodel na si Anne V, founder ng Farouk Systems na si Farouk Shami, pioneering designer ng U-BOAT watches na si Italo Fontana, at Russian popstar na si Philip Kirkorov.

Gaganapin ang Miss Universe 2013 coronation night sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia, sa pangunguna nina Thomas Roberts ng “MSNBC Live” at Mel B ng “America’s Got Talent” bilang hosts.

Panoorin live ang “Miss Universe 2013” sa Velvet (SkyCable ch 53), 2 AM, at sa special telecast nito sa ABS-CBN, 9 AM. Mapapanood din ang primetime replay nito sa parehong araw sa ganap na 10:45 AM sa ABS-CBN at 7 PM sa Velvet.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates