Friday, November 08, 2013

Pinay beauty queens, kikislap sa ‘ASAP 18’ ngayong Linggo (Nov 10)

Magrereyna sa “ASAP 18” ang world-class Pinay beauty queens ngayong Linggo (Nobyembre 10) sa pagrampa ng Miss Universe runner-ups na sina Venus Raj at Shamcey Supsup at 2013 Miss Supranational na si Mutya Johanna Datul.

Miss Universe runner-ups Venus Raj and Shamcey Supsup and 2013 Miss Supranational Mutya Johanna Datul

Bukod sa pagbisita ng naggagandahang beauty queens, lalong magiging maganda ang Christmas countdown ng TV viewers sa bonggang birthday bash para kina Vina Morales, Angeline Quinto, at Enchong Dee; sa star-studded na Christmas gift nina Jamie Rivera at Arnel Pineda; at sa bagong concert spectacle ni Jed Madela para sa kanyang upcoming concert na ‘X: Jed Madela’s 10th Year Concert.’

Aapaw naman ang kilig sa “ASAP 18” center stage sa special production number ng hardcourt heartthrobs na sina Arnold Van Opstal at magkapatid na Jeric at Jeron Teng; sa panghaharana ng ilan sa pinakatinitilian Kapamilya leading men na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Xian Lim, Enrique Gil, JC de Vera, Joseph Marco, at Jake Cuenca; at sa grand thanksgiving at farewell ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” lead actors na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz.

Samantala, tunghayan ang espesyal na production number na ihahatid ng “The Voice of the Philippines” finalists na sina Janice Javier, Radha, Klarisse de Guzman, Morissette Amon, at ang grand winner na si Mitoy Yonting; at alamin ang latest music trends sa show-stopping performance ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga sa kanyang ASAP segment na ‘T-Zone.’

Tiyak na mapapaindak ang lahat sa nakahahawang dance moves nina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Iya Villania, Erich Gonzales, John Prats, Empress, Rayver Cruz, Meg Imperial, at Iza Calzado sa ‘Supahdance.’

Abangan din ang makatindig-balahibong musical number nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Erik Santos, Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, at Gary Valenciano.

Makisaya, makisayaw, at makikanta sa consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, “ASAP 18,” ngayong Linggo, 1:30pm sa ABS-CBN.

Maaari bumoto ang fans at TV viewers para sa ‘2013 ASAP Pop Viewers’ Choice Awards’ sa pamamagitan ng text at online voting sa ASAP.abs-cbn.com. Puwede ring bumoto sa pamamagitan ng pagsagot ng ‘POP Balota’ na makukuha sa Star Studio at Chalk magazines na maaaring ihulog sa drop boxes na matatagpuan sa ABS-CBN regional offices at National Bookstore branches sa buong bansa.

Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita sa ABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.

Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official social networking accounts ng “ASAP 18″ sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPUniverse.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates