Tuesday, November 12, 2013

Buhay ni Lisa Macuja, tampok sa ‘Bottomline’

Tuklasin ang mundo ng ballet dancing sa special one-on-one interview sa ‘Prima Ballerina’ na si Lisa Macuja-Elizalde ngayong Sabado (Nobyembre 16) sa “The Bottomline With Boy Abunda.”

Lisa Macuja-Elizalde

Sa pagbabahagi ni Macuja ng kwento ng kanyang buhay, karera, at nalalapit niyang pagreretiro bilang isang ballet dancer. Anong mga pagsubok ang kinailangang lampasan ni Macuja para sa makamit ang kanyang pangarap? Handa na ba siyang iwan ang entablado at ang sining ng ballet? Anong payo ang maibibigay ni Macuja para sa mga kabataang nais maging katulad niya?

Huwag palampasin ang 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates