Kinilala at pinuri ng Association for International Broadcasting (AIB) sa United Kingdom ang “Failon Ngayon” at anchor nitong si Ted Failon sa ginanap na 2013 AIB Awards.
Nominado ang “Failon Ngayon” sa Domestic Current Affairs Documentary category para sa episode “Island of Boracay 2” episode na tinampok ang pag-giba ng mga ilegal na resorts sa Boracay kasunod ng episode nito na nagbunyag sa iregularidad na ito.
Isa naman si Ted sa mga pinagpilian para sa International TV Personality Award kalinya ang iba pang magagaling na mamamahayag mula sa ibang bansa.
Siyam na taon nang kumikilala ang naturang international award-giving body sa galing at pagiging malikhain ng mga personalidad at program sa radyo, TV at online pagdating sa storytelling.
Samantala, babalikan naman ni Ted ang ilan sa pinakatumatak nitong paksa sa 4th anniversary episode nito ngayong Sabado (Nobyembre 9). Ilan dito ay tungkol sa pagiging talamak ng ilegal na botika, pamemeke ng ilang presinto ng pulisya sa mga dokumento nito para masabing bumaba ang krimen sa kanilang lugar, at mga perwisyong traffic enforcer.
Sa mga isyu ngayon, lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang mas matapang, mas walang takot at mas matinding “Failon Ngayon” ngayong Sabado, 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programasawww.facebook.com/failon.ngayon.fanpage at i-follow ito sa Twitter, @Failon_Ngayon. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #FN at #FailonNgayon.
0 comments:
Post a Comment