Saturday, November 09, 2013

Rematch nina Donaire at Darchinyan, mapapanood sa ABS-CBN

Magaganap na bukas (Nov 10) ang pinakahihintay na rematch sa pagitan ng dating world boxing champions na sina Nonito ‘Filipino Flash’ Donaire at Vic ‘Raging Bull’ Darchinyan sa 10-round, non-title featherweight fight na gaganapin sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas . Panoorin ito sa espesyal na coverage ng ABS-CBN na “The Rematch: Donaire vs. Darchinyan” sa ganap na 11 AM.

Nonito ‘Filipino Flash’ Donaire and Vic ‘Raging Bull’ Darchinyan

Anim na taon ang hinintay ng lahat para sa labang ito at parehong gutom ang dalawang boksingero na makuha ang tagumpay dahil mahalaga ito sa pag-ahon ng kanilang kasalukuyang boxing careers.

Unang nagbanggaan ang parehong three-division world champion noong 2007  kung saan na-knockout ni Donaire (31-2, 20 knockouts) si Darchinyan (31-2, 20 knockouts) sa ikalimang round. Dahil dito, nakuha ni Donaire ang kanyang unang world title at nasungkit mula kay Darchinyan ang kanyang IBF flyweight title. Ito namang ang unang beses na natalo via KO ni Darchinyan.

Kakagaling lang ni Donaire mula sa pagkakatalo kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba noong Abril kaya ganoon na lang kadeterminado ang Filipino Flash para ipanalo ang laban sa Linggo.

Hindi naman pahuhuli si Darchinyan na sabik na makapaghiganti sa Pinoy boxer na siyang umagaw ng kanyang IBF crown at dumungis sa kanyang maganda na sanang boxing career.

Mapapanood ang “The Rematch: Donaire vs. Darchinyan” bukas (Nov 10) sa ganap na 11 AM sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates