Wednesday, July 24, 2013

Shamcey at Venus, makikipagtapatan sa ‘Tapatan Ni Tunying’

Makikipagprangkahan kay Anthony “Tunying” Taberna tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig sina Venus Raj at Shamcey Supsup ngayong Huwebes (Hulyo 25) sa “Tapatan Ni Tunying.”

Shamcey Supsup, Venus Raj

Pareho mang itinuturing na iconic beauty queens ng makabagong henerasyon sina Venus at Shamcey dahil sa magkasunod nilang pagkakasungkit ng runner up titles sa pinaka-prestihiyosong Miss Universe, naging magkaiba naman ang takbo ng buhay ng dalawa, lalo na sa kani-kanilang love life.

Judy Ann Santos, magiging bida-kontrabida sa ‘Huwag Ka Lang Mawawala’

Mas palabang Judy Ann Santos na ang masasaksihan gabi-gabi ng loyal viewers ng consistent top-rating primetime drama series ng Pinoy Soap Opera Queen na “Huwag Ka Lang Mawawala.”

Judy Ann Santos

Matapos danasin ang matinding pang-aabuso sa kamay ng asawang si Eros (Sam Milby) at tangkang pagpatay sa kanya ng biyenang si Romulus Diomedes (Tirso Cruz III), babangon ang isang bagong Anessa (Judy Ann)–mas matapang, mas may paninindigan, at mas maganda!

‘MMK,’ patuloy na nangunguna; Empress, bibida sa heavy drama episode ngayong Sabado

Nananatiling most-watched weekend TV program ang longest-running drama anthology sa Asya na “Maalaala Mo Kaya” sa muli nitong pamamayagpag noong Sabado (Hulyo 20) nang humataw ito ng 35.3% national TV ratings, o mas mataas ng 14 puntos sa kalaban nitong “Magpakailanman” na may 21.2%, base sa datos ng Kantar Media na sakop ang mga kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa.

Maalaala Mo Kaya

Samantala, bibida naman ang Kapamilya actress na si Empress sa upcoming family drama episode ng “MMK” ngayong Sabado (Hulyo 27). Gagampanan niya ang karakter ni Claire, isang mapagmahal na anak na biglang mawawasak ang buhay dahil sa katotohanang matutuklasan tungkol sa kanyang pamilya at tunay na pagkatao.

Friday, July 12, 2013

Kantar Media National TV Ratings (Urban + Rural) - July 11, 2013 (Thursday)

11 July 2013 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural)
Ratings Data: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
Source: Kantar Media / TNS

Kantar Media National TV Ratings - July 11, 2013

Thursday, July 11, 2013

Kantar Media Total Philippines (Urban + Rural) Household TV Ratings - July 10, 2013 (Wednesday)

10 July 2013 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural)
Ratings Data: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
Source: Kantar Media / TNS

Kantar Media National TV Ratings - July 10, 2013

Wednesday, July 10, 2013

Angeline Quinto, rumaket na clown pantustos sa pamilya

Dahil sa matinding pangangailangan, magtatrabaho bilang clown ang karakter ni Angeline Quinto sa upcoming family drama episode ng “Maalaala Mo Kaya” sa Sabado (Hulyo 13).

Angeline Quinto in MMK

Sa kabila ng nakangiting mukha, puno ng problema si Ellah (Angeline) dulot ng sunod-sunod na pagsubok sa kanilang pamilya, lalo na nang inabandona sila ng kanyang ama.

Kantahan at sayawan sa ‘LUV U’ ngayong Linggo

Magpapakita ng galing sa kantahan at sayawan ang mga estudyante ng “LUV U” ngayong Linggo (Hulyo 14), lalo na’t oras na ng pagrehistro sa mga school club.

LUV U cast

Si Lexie (Alexa Ilacad) ay magpapakitang-gilas sa pagkanta kasama ang mga girls, at magpapalista sa glee club. Sina Benj (Nash Aguas) naman at ang iba pang Break3rs ay magpapakita ng dance moves, at sasali sa dance club.

Kantar Media National TV Ratings (Urban + Rural) - July 9, 2013 (Tuesday)

Kantar Media Total Philippines (Urban and Rural) Household TV Ratings - July 9, 2013 (Tuesday)
RatingsData: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
Source: Kantar Media / TNS

Kantar Media National TV Ratings - July 9, 2013

Julia Barretto, hinahasa ng ABS-CBN sa pag-arte

‘Perfect training ground’ kung ituring ng Kapamilya teen star na si Julia Barretto ang “Wansapanataym” special na pinagbibidahan niya ngayon kasama ang child wonders na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

Julia Barretto

“Sobrang thankful po ako sa ABS-CBN sa binigay nilang opportunity sa akin na maging part ulit ng ‘Wansapanataym.’ Bukod po kasi sa nate-train ako lalo pagdating sa pag-arte, natuturuan pa po namin ng mabubuting asal ‘yung mga batang manonood,” pahayag ni Julia na masayang makatrabaho sina Zaijian at Xyriel. “Nakakaaliw po silang kasama sa set kasi para ko na rin po silang mga nakababatang kapatid. Ang babait po nila at professional katrabaho.”

Friday, July 05, 2013

National TV Ratings (Urban + Rural) - July 4 (Thursday)

Kantar Media Total Philippines (Urban and Rural) Household TV Ratings
July 4, 2013 (Thursday)

Kantar Media National TV Ratings - July 4, 2013

04 July 2013 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural) RatingsData: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
Source: Kantar Media / TNS

Thursday, July 04, 2013

‘That Winter, The Wind Blows’ ipapalabas na ngayong Lunes - full trailer (Video)

Ang That Winter, The Wind Blows ang papalit sa timeslot ng Missing You na matatapos na ngayong Friday. Mapapanood ang bagong Tagalog-dubbed Koreanovela simula sa Monday, July 8, 2013, pagkatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala sa ABS-CBN Primetime Bida.

Ang That Winter, The Wind Blows ay pinangungunahan ng mga Korean superstars na sina Jo In Sung at Song Hye Gyo.

Daniel Padilla - Lily’s Peanut Butter commercial (Videos)

Si Daniel Padilla ang bagong endorser ng Lily’s Peanut Butter. Kasama ng teen star ang kanyang inang si Karla Estrada sa television commercial ng produkto na ini-launch recently.

Daniel at Karla sa Lily’s Peanut Butter TVC:

Khalil Ramos, Sue Ramirez, Kiko Estrada, magpapakilig sa Cavite ngayong Sabado

Tuluy-tuloy ang pagpapasalamat ng top-rating na familydrama na Annaliza sa masugid nitongmga tagasuporta ngayong Sabado (Hulyo 6) dahil susugod ang teen stars nito na sina Khalil Ramos, Sue Ramirez, at Kiko Estrada sa SM Center Molino para magbahagi ng kilig at saya sa mga Caviteno.

Kiko Estrada, Sue Ramirez, Khalil Ramos

Samahan ang bagong kinakikiligang tambalan sa primetime na sina Khalil at Sue pati na ang ang rising teen heartthrob na si Kiko sa isang gabi na puno ng song numbers, games, atpapremyo. Bukas at libre ito sa lahat ng nais manood kaya naman isama na ang buong pamilya o barkada para makisaya.

Cha-Cha Canete, kinatawan ng Pilipinas sa World Championship of Performing Arts

Ang katumbas ng “Olympics” sa mundo ng Performing Arts ay magsisimula sa Hunyo 12 hanggang 21, at ang isa sa mga minamahal nating batang artista na si Cha-Cha Canete ang magiging kalahok sa Junior Divison ng 17th World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Cha-Cha Canete

Si Cha-Cha ay kabilang sa award-winning comedy program ng ABS-CBN na “Goin’ Bulilit” at pati na rin sa “Biyaheng Bulilit” ng Studio 23 na nakatanggap ng Anak TV Award. Bukod sa kanyang patuloy na pagsikat sa showbiz ay honor student din si Cha-Cha sa kanyang paaralan, ang Diliman Preparatory School, kung saan siya ay nasa ikatlong baitang.

Tunay na pagkatao ni Nash Aguas, makikita ngayon Linggo sa ‘LUV U’

Pagkatapos ng ilang linggo na nakita si Nash Aguas bilang bully at bad boy ng “LUV U” na si Benj Jalbuena, malalagay na rin siya sa isang sitwasyon kung saan makikita ang kanyang tunay na pagkatao.

Nash Aguas

“Yung role ko kasi, misunderstood po siya na bully,” sabi ni Nash tungkol sa role niya bilang Benj. Dagdag pa niya, “Mabait naman talaga ako sa totoong buhay.”

Coco Martin, excited sa pagpasok ni Vice Ganda sa ‘Juan Dela Cruz’

Masayang-masaya ang Teleserye Prince na si Coco Martin sa nalalapit nang pagpasok ng best friend niyang si Vice Ganda sa kwento ng no. 1 sa superhero drama series ng ABS-CBN na “Juan dela Cruz.” Gagampanan ni Vice sa teleserye ang karakter ng tikbalang na si Santana.

Vice Ganda

“Na-excite agad ako nung sinabi sa akin na papasok si Vice sa ‘Juan dela Cruz’ kasi first time namin na magkakasama sa isang teleserye at matagal na rin kaming hindi nagkakatrabaho sa isang project,” pahayag ni Coco na huling nakasama si Vice sa independent movie na “Noy.”

Goin’ Bulilit kids, nasa ilalim ng tulay

Ang mga paboritong bulilit ay napunta sa mga sulok ng Metro Manila, pati na rin sa ilalim ng tulay sa “Goin’ Bulilit” na mapapanood sa darating na Linggo (Hulyo 7)—pero handa pa rin nila ang masayang tawanan at kakulitan para sa buong pamilya.

Goin' Bulilit

Panoorin ang mga gag at sketch, pati na rin ang mga monologue na “Pro-lubi” ng mga bata para sa isang ibang klaseng komedya mula sa kalye.

Tuluyan na bang mawawala si Joy kay Julius sa ‘Missing You’?

Wala nang bibitiw sa Asianovelang tiyak niyong mami-miss sa pagtatapos ng kuwento nina Julius Han at Joy Lee ngayong Biyernes (July 5) sa “Missing You.”

Missing You

Susubukin ng tadhana sa huling pagkakataon ang tibay ng pagmamahalan nina Julius at Joy sa pagkakabihag ni Harry kay Joy.

National Household TV Ratings - July 2-3, 2013

Kantar Media Total Philippines (Urban and Rural) Household TV Ratings - July 2-3, 2013:

Kantar Media National TV Ratings - July 2, 2013

02 July 2013 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural) RatingsData: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
Source: Kantar Media / TNS

Kakaibang kapangyarihan ngayong Hulyo sa Hero TV

Mga sumpa at masasamang balak ang susubok na mangingibabaw ngayong Hulyo sa HERO TV, sa pagdating ng mga bagong thriller anime na may ibang klaseng pananaw—ang “Death Note”, “Kiba: The Dark Knight Gaiden”, at “Gundam U.C. Vol. 1 and 2”.

Hero TV

Sa “Death Note” masasaksihan ang paglalaban ng dalawang henyo, kung saan ang isa ay nagbabalak maging isang diyos gamit ang nilalaman ng isang misteryosong kwadernong itim. Ang “Death Note” ay magsisimula sa mga back-to-back episode tuwing Sabado at Linggo ng 11:00 p.m. simula Hulyo 6.

Pagpapalit ng pangalan ng babaeng naging lalaki, hihimayin sa ‘Demandahan’

May karapatan bang magpalit ng pangalan sa mga legal na dokumento ang isang taong may problema sa sekswalidad?

Pinoy True Stories: Demandahan

‘Yan ang aalamin ni Anthony Taberna sa “Pinoy True Stories: Demandahan” bukas kung saan tatalakayin ang kaso ni “Michelle” na nag-petisyong magbago ng pangalan dahil kakaiba niyang kondisyong may parehong ari ng lalaki at babae.

Kantar Media National Household TV Ratings - July 1, 2013 (Monday)

Kantar Media Total Philippines (Urban and Rural) Household TV Ratings
July 1, 2013 (Monday)

Kantar Media National TV Ratings - July 1, 2013

01 July 2013 Comparative Total Philippines (Urban+ Rural) RatingsData: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5
Source: Kantar Media / TNS

Wednesday, July 03, 2013

Coco Martin, Jinkee at Manny Pacquiao, bibisita sa ‘Toda Max’

Magpapa-house blessing na sa bagong bahay ni Tay Mac (Al Tantay), at maraming sikat ang naimbita para dumagdag sa saya ng selebrasyon. Sa darating na episode ng “Toda Max”, iimbitahin ni Justin (Vhong Navarro) sina Coco Martin, Manny at Jinkee Pacquiao.

lookalikes of Coco Martin and the Pacquiaos in Toda Max

Ngayon na nagkalat ang mga Kalokalike sa Beverly Gils, totoo bang sina Coco, Manny at Jinkee ang mga ito? Kailangang malaman ng mga taga-Beverly Gils kung paano mapaghihiwalay ang totoo sa hindi—mas lalo na’t dumating na rin ang tunay na Andrew E. sa Beverly Gils.

Paulo Avelino, gaganap na pipi sa ‘MMK’

Pipi ang role ng award-winning actor na si Paulo Avelino sa “Maalaala Mo Kaya” episode na mapapanood ngayong Sabado (Hulyo 6). Ayon kay Paulo, espesyal para sa kanya ang panibagong “MMK” niya dahil first time niyang gaganap bilang isang pipi.

Paulo Avelino in MMK

“Sobrang challenging po ng role ko bilang si Apaw. Born mute po kasi siya na pinagmamalupitan ng mga sarili niyang kamag-anak,” pahayag ni Paulo kaugnay ng episode kung saan kasama niya ang “Walang Hanggan” co-actor na si Joem Bascon na gumaganap naman bilang ang best friend ni Apaw na si Dante.

Piolo Pascual at Angelica Panganiban, nagpa-init!

Proud na proud sina Angelica Panganiban at Piolo Pascual sa narating na tagumpay ng top-rating primetime teleserye nilang “Apoy Sa Dagat” na magtatapos na ngayong Biyernes (Hulyo 5).

Apoy Sa Dagat cast

Ayon kina Angelica at Piolo, sa halos limang buwang pagpapainit ng “Apoy Sa Dagat” sa primetime TV, laking pasalamat nila sa hindi pagbitaw ng mga manonood sa kanilang serye kinatatampukan ng mga karakter nina Rebecca at Serena (Angelica), Ruben (Piolo) at Anton (Diether Ocampo). Sa katunayan, sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Biyernes (Hunyo 28), no.3 most watched TV program sa buong bansa ang “Apoy Sa Dagat,” taglay ang 27% national TV rating, kumpara sa nakuha ng 15.3% ng katapat nito sa GMA 7 na “My Husband’s Lover.”

Sol Aragones, ibubunyag ang dahilan sa pag-alis sa ABS-CBN

Muling haharap sa kamera ang dating news reporter ng ABS-CBN na si Sol Aragones ngayong Sabado (Hulyo 6) sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngunit hindi na bilang isang mamamahayag kundi bilang congresswoman-elect ng ikatlong distrito ng Laguna.

Sol Aragones

Anong mabigat na dahilan ang nagtulak kay Sol na talikuran ang pagiging reporter at sumabak sa magulong mundo ng politika? Sa kabila ng kakulangan sa pera, karanasan, at koneksyon, ano nga ba ang lamang niya sa kanyang kalaban kung kaya’t nagwagi siya noong nakaraang eleksyon?

Jake Cuenca at Joem Bascon, may love scenes sa ‘Lihis’ (Video)

Ang daming love scenes nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa Lihis, isang independent movie na tungkol sa pag-iibigan ng dalawang lalaking NPA rebel noong panahon ng Martial Law.

Lihis

Revealing ang extended trailer ng pelikula kung saan makikita ang dalawa sa mga very intimate scenes.

‘Muling Buksan Ang Puso’ full trailer

Ang Muling Buksan Ang Puso ay pinagbibidahan nina Julia Montes, Enchong Dee at Enrique Gil, sa ilalim ng direksiyon nina Nuel Naval and Manny Palo. Mapapanood na ito ngayong Hulyo sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Trailer:

‘Muling Buksan Ang Puso’ is ABS-CBN’s biggest drama offering for 2013

Bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng 60 taon ng telebisyon sa Pilipinas, mapapanood na ngayong Hulyo ang pinakamalaking teleserye ng taon, ang “Muling Buksan Ang Puso” na pinagbibidahan ng tatlo sa pinakabagong ‘Primetime Idols’ ng Kapamilya network–ang Teleserye Sweetheart na si Julia Montes, Versatile Actor na si Enchong Dee, at ang Next Ultimate Leading Man na si Enrique Gil.

Muling Buksan Ang Puso

Tampok sa “Muling Buksan Ang Puso” ang natatanging pagsasama-sama ng tatlong henerasyon ng ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa kabilang ang tatlong bagong ‘Primetime Idols’ ng ABS-CBN; ang mga de-kalibreng aktres na nagbabalik-Kapamilya na sina Agot Isidro at Cherie Gil, kasama ang mga magagaling na aktor na sina Daniel Fernando, Dominic Ochoa at Jestoni Alarcon; at ang mga batikang artista na sina Ms. Pilar Pilapil, na fresh from the success ng “Ina Kapatid Anak,” Dante Rivero, at ang nag-iisang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces na may naiibang pagganap sa serye.

‘Got To Believe’ full trailer

Ang full trailer ng Got To Believe ay inilabas na ng ABS-CBN. Pinagbibidahan ang teleseryeng ito ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), sa ilalim ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Magsisimulang umere ito ngayong Hulyo sa ABS-CBN Primetime Bida.

Most romantic teleserye nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla na ‘Got To Believe,’ mapapanood na ngayong July!

Balik-primetime TV ngayong darating na Hulyo dalawa sa pinakabagong ‘Primetime Idols’ ng ABS-CBN at reigning ‘Teen Queen and King’ ng Philippine showbiz na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pamamagitan ng most romantic TV series ng taon na “Got To Believe” na panibagong obra ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Matapos mahalin ng buong Pilipinas bilang sina Prinsesa Areeyah at Gino ng royal teleseryeng “Princess And I” at bilang sina Ivan at Patchot sa launching movie nila sa Star Cinema na “Must Be… Love,” patuloy na pakikiligin nina Kathryn at Daniel, na mas kilala na ngayon bilang ‘KathNiel,’ ang mga manonood. Sa panibagong kwentong pag-ibig na ibabahagi nila ngayon sa “Got To Believe,” gagampanan nila ang papel ng dalawang kabataang mula sa magkaibang mundo na magtatagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Daniel ay ang rich kid, spoiled ‘prince’ na si Joaquin at si Kathryn ay si Chichay, ang simple girl with big dreams.

Tuesday, July 02, 2013

‘Annaliza’ cast, nagpasaya ng mga bata sa Navotas

Isang thanksgiving outreach program ang idinaos kamakailan ng cast ng ABS-CBN top-rating family drama na Annaliza sa Barangay NBBS, Navotas City.

Annaliza cast in outreach program

Pinangunahan ng rising teleserye princess na si Andrea Brillantes, kasama ang iba pang child stars ng soap na sina Kyline Alcantara, Jillian Aguila, John Vincent Servilla, Dale Baldillo, at Rein Tolentino, ang pamimigay ng school materials tulad ng textbooks sa mga bata roon.

Mga nasaklolohan sa bingit ng kamatayan, kukumustahin nina Maan at Dominic

Kukumustahin ng mga mamamahayag na sina Maan Macapagal at Dominic Almelor ang mga taong itinampok na sa “Pinoy True Stories: Saklolo” at nalampasan ang matinding trauma ng pagkakabundol, pagkakalunod, at pagkakadukot sa isang espesyal na episode bukas (Hulyo 3) sa ABS-CBN.

Maan Macapagal and Dominic Almelor

Noong Mayo, itinampok sa “Saklolo” ang kwento ng isang dalagang muntik nang mamatay mula sa pagkalunod sa Bakas River sa Norzagaray, Bulacan at kung paano sila nasagip. Kilala ang naturang ilog sa pagkakaroon ng maraming naitalang insidente ng pagkakalunod, ngunit ngayon, ano na kaya ang ginagawa ng mga taga-barangay sa lugar upang mas paigtingin pa ang pagbabantay sa mga gustong lumangoy rito?

Mr. and Miss Chinatown Philippines 2013, idineklara na!

Ang mga nagwagi sa pinakaunang Mr. and Miss Chinatown Philippines na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila ay ipinakilala na sa grand coronation na nangyari noong ika-30 ng Hunyo, 2013. Ang dalawa ay napili maging mga kinatawan ng pagsasama ng dalawang kultura – ng Tsina at ng Pilipinas.

Mr. and Miss Chinatown Philipines 2013

Ang titulo ng Mr. Chinatown Philippines 2013 at Ambassador of Good Will ay napunta kay Randy See. Samantala, ang Miss Chinatown at Ambassadress of Good Will ay napunta naman kay Rolini Lim Pineda.

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates