Thursday, July 04, 2013

Tuluyan na bang mawawala si Joy kay Julius sa ‘Missing You’?

Wala nang bibitiw sa Asianovelang tiyak niyong mami-miss sa pagtatapos ng kuwento nina Julius Han at Joy Lee ngayong Biyernes (July 5) sa “Missing You.”

Missing You

Susubukin ng tadhana sa huling pagkakataon ang tibay ng pagmamahalan nina Julius at Joy sa pagkakabihag ni Harry kay Joy.

Pipilitin ni Harry na sumama na sa kanya ang dalaga at magsimula uli. Hindi naman papayagan nito ni Julius at lalong hindi rin papayag si Joy na mahiwalay siyang muli sa nag-iisang lalaking kanyang minahal. Kaya naman idadaan ni Harry sa dahas ang lahat at magtatangkang kitilin ang buhay ni Joy.

Katapusan na ba ito ni Joy? Sa kabilang buhay na ba niya hihintayin si Julius para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan?

Pakatutukan ang huling gabi ng “Missing You” ngayong Biyernes (July 5) pagkatapos ng “Apoy sa Dagat” sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates