Tuesday, July 02, 2013

Mr. and Miss Chinatown Philippines 2013, idineklara na!

Ang mga nagwagi sa pinakaunang Mr. and Miss Chinatown Philippines na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila ay ipinakilala na sa grand coronation na nangyari noong ika-30 ng Hunyo, 2013. Ang dalawa ay napili maging mga kinatawan ng pagsasama ng dalawang kultura – ng Tsina at ng Pilipinas.

Mr. and Miss Chinatown Philipines 2013

Ang titulo ng Mr. Chinatown Philippines 2013 at Ambassador of Good Will ay napunta kay Randy See. Samantala, ang Miss Chinatown at Ambassadress of Good Will ay napunta naman kay Rolini Lim Pineda.

Ang dalawa ay idineklara ng isang grupo ng mga hurado na binubuo ng iba’t ibang mga mahuhusay na Chinoy personalities, tulad nina Richard Yap, Janine Tugonon, Cory Vidanes, Jasper Tiu, Hon. Pan Feng, Dory Poa, Knoi Esmane, Wilson Go, Angel Ngu, Jose Go at Brian Lim.

Ang Mr. Chinatown Philippines 2013 na si Randy See ay agad-agad nagpakita ng confidence at kahusayan sa pananalita, lalo na sa kanyang pagbigay ng sagot sa question-and-answer portion. Maaga pa lang sa coronation night ay nananalo na si See, na mas lalong napansin noong siya ay nagwagi bilang Best in Active Wear.

Ang Ms. Chinatown Philippines naman na si Rolini Lim Pineda ay isang first-timer sa ganitong klaseng kompetisyon, ngunit nagmukhang isang beterana sa kanyang mahusay na pagdala ng sarili sa lahat ng bahagi ng coronation night. Pagdating sa pag-anunsyo ng magwawagi ng titulong Ambassadress of Good Will ay nag-cheer ang marami sa mga manonood para kay Rolini.

Ang mga nanalo bilang Mr. and Miss Chinatown Philippines 2013 ay nagkamit ng P500,000 at trip papuntang Beijing o Shanghai na may libre na ring hotel accommodation. Kasama rin sa mga napanalunan nila ang isang contract sa ABS-CBN.

Ang mga runner-up naman na sina Maricon Cho at Jerome Edward Tan ay nakatanggap ng cash prize na P300,000. Mayroon din silang libreng accommodation sa Misibis Bay.

Ang mga second runner-up ng kompetisyon na sina Michelle Marie Sy at Skye Yang ay nakatanggap naman ng P200,000 at accommodation sa Palao Blue Water.

Manood ng ABS-CBN Channel 2 para sa mas marami pang mga update tungkol sa mga nagwagi sa pinakaunang Mr. ang Miss Chinatown Philippines 2013, ang mga Ambassadors of Good Will na tatayong pruweba sa kakaibang pagkakaisa ng dalawang kultura.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates