Kukumustahin ng mga mamamahayag na sina Maan Macapagal at Dominic Almelor ang mga taong itinampok na sa “Pinoy True Stories: Saklolo” at nalampasan ang matinding trauma ng pagkakabundol, pagkakalunod, at pagkakadukot sa isang espesyal na episode bukas (Hulyo 3) sa ABS-CBN.
Noong Mayo, itinampok sa “Saklolo” ang kwento ng isang dalagang muntik nang mamatay mula sa pagkalunod sa Bakas River sa Norzagaray, Bulacan at kung paano sila nasagip. Kilala ang naturang ilog sa pagkakaroon ng maraming naitalang insidente ng pagkakalunod, ngunit ngayon, ano na kaya ang ginagawa ng mga taga-barangay sa lugar upang mas paigtingin pa ang pagbabantay sa mga gustong lumangoy rito?
Babalikan din ng “Saklolo” si Aling Marivic na naputulan ng binti mula sa pagkakabundol sa kanya ng isang trak. Ilang buwan ang makalipas, bumalik na ang lakas ni Marivic, kaya lang ay mas gusto niya sanang makapaglakad ulit para makapagtrabaho. Kaya naman ay idinala siya ng “Saklolo” sa isang rehab doctor na namimigay ng libreng aritificial legs sa mga mahihirap na amputee. Makabalik pa kaya sa trabaho si Marivic?
Samantala, kakamustahin nina Maan at Dominic ang kalagayan ng batang si Lucas na-nakidnap ng kaibigan ng kanyang amang si Jack. Ayon sa kidnapper, ginawa niya ito dahil mayroon siyang galit kay Jack.
Huwag palampasin ang “Pinoy True Stories: Saklolo” bukas (Hulyo 3) sa ABS-CBN, 4:45 PM sa Kapamilya Gold.
0 comments:
Post a Comment