Wednesday, July 10, 2013

Julia Barretto, hinahasa ng ABS-CBN sa pag-arte

‘Perfect training ground’ kung ituring ng Kapamilya teen star na si Julia Barretto ang “Wansapanataym” special na pinagbibidahan niya ngayon kasama ang child wonders na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

Julia Barretto

“Sobrang thankful po ako sa ABS-CBN sa binigay nilang opportunity sa akin na maging part ulit ng ‘Wansapanataym.’ Bukod po kasi sa nate-train ako lalo pagdating sa pag-arte, natuturuan pa po namin ng mabubuting asal ‘yung mga batang manonood,” pahayag ni Julia na masayang makatrabaho sina Zaijian at Xyriel. “Nakakaaliw po silang kasama sa set kasi para ko na rin po silang mga nakababatang kapatid. Ang babait po nila at professional katrabaho.”

Samantala, taliwas sa magandang samahan nina Julia, Zaijian, at Xyriel sa tunay na buhay, susubukin naman ngayong Sabado (Hulyo 13) ang pagkakaibigan ng kanilang mga karakter sa “Wansapatayam Presents Petrang Paminta” dahil maipagsasabi ni Aya (Xyriel) sa iba ang sikreto ng ate na si Petra (Julia) at ng ‘prinsipe ng mga paminta’ na si Pampam (Zaijian). Sa pagdating ng peligro sa kanilang kaharian, palalayasin ng mga dwende si Pampam at parurusahan ito na maging tao. Paano nga ba magbabago ang pakikitungo ni Pampam sa magkapatid lalo na ngayong napapalapit na ang iniibig niyang si Petra sa kababata nito na si Sancho (Diego Loyzaga)?

Tampok rin ngayong Sabado sina Ruby Rubi, Kiray Celis, Atak Aranas, Maricar de Mesa, Epy Quizon, Jayson Gainza, Tess Antonio, Joey Paras, Jeff Luna, at Alora Sasam. Mula sa nobela ni Pablo Gomez, ang “Wansapantaym Presents Petrang Paminta” ay sa ilalim ng panulat nina Noreen Capili, Joel Mercado, at Yam Tanangco, at sa direksyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas.

Huwag palampasin ang four-week special ng storybook ng batang Pinoy, “Wansapanataym,” 6:45pm, pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates