Wednesday, July 03, 2013

‘Muling Buksan Ang Puso’ is ABS-CBN’s biggest drama offering for 2013

Bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng 60 taon ng telebisyon sa Pilipinas, mapapanood na ngayong Hulyo ang pinakamalaking teleserye ng taon, ang “Muling Buksan Ang Puso” na pinagbibidahan ng tatlo sa pinakabagong ‘Primetime Idols’ ng Kapamilya network–ang Teleserye Sweetheart na si Julia Montes, Versatile Actor na si Enchong Dee, at ang Next Ultimate Leading Man na si Enrique Gil.

Muling Buksan Ang Puso

Tampok sa “Muling Buksan Ang Puso” ang natatanging pagsasama-sama ng tatlong henerasyon ng ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa kabilang ang tatlong bagong ‘Primetime Idols’ ng ABS-CBN; ang mga de-kalibreng aktres na nagbabalik-Kapamilya na sina Agot Isidro at Cherie Gil, kasama ang mga magagaling na aktor na sina Daniel Fernando, Dominic Ochoa at Jestoni Alarcon; at ang mga batikang artista na sina Ms. Pilar Pilapil, na fresh from the success ng “Ina Kapatid Anak,” Dante Rivero, at ang nag-iisang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces na may naiibang pagganap sa serye.

Ang “Muling Buksan Ang Puso” ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape, ang grupong may likha ng phenomenal teleseryeng “Walang Hanggan” at ng katatapos lamang na family dramang “Ina Kapatid Anak,” at ng mga kasalukuyang kinahuhumalingan ng sambayanan na “Juan De la Cruz,” “My Little Juan, at “Huwag Ka Lang Mawawala.” Ito ang sa ilalim ng panulat nina Rondel Lindayag at Reggie Amigo, at sa direksyon ng dalawa sa kinikilalang ‘maestro’ ng makabagong Pinoy soap opera na sina Nuel Naval at Manny Palo.

Bukod sa kuwento, ipinagmamalaki rin ng program ang musikang nakapaloob sa pinakabagong serye ng ABS-CBN. Ang theme song na “Muling Buksan Ang Puso,” na may music video na rin, ay inawit ng King of Teleserye Theme Songs na si Erik Santos. Nakatakda na ring mag-record ng sarili niyang bersyon ng kanta ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha. Ang parehong single ay magiging bahagi ng official “Muling Buksan Ang Puso” soundtrack na ilalabas na rin ngayong Hulyo.

Dagdag rin sa ganda ng “Muling Buksan Ang Puso” ang de-kalidad na production design, costumes, at locations na ikamamangha ng TV viewers. Nag-shoot ang serye sa mga ‘tagong yaman’ ng San Juan Batangas, Tagaytay, at Antipolo, Rizal.

Kukumpleto sa powerhouse cast ng “Muling Buksan Ang Puso” sina Malou Crisologo, Pooh, Matt Evans, at ipinakikilala ang 2013 New York Festivals (NYF) World’s Best Television & Films best actress nominee na si Jane Oineza.

Posible nga bang mabura ang sakit ng nakaraan sa muling pagbubukas ng puso?

Huwag palampasin ang biggest drama offering ng 2013, “Muling Buksan Ang Puso,” mapapanood na ngayong Hulyo sa ABS-CBN Primetime Bida.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates