Wednesday, July 03, 2013

Piolo Pascual at Angelica Panganiban, nagpa-init!

Proud na proud sina Angelica Panganiban at Piolo Pascual sa narating na tagumpay ng top-rating primetime teleserye nilang “Apoy Sa Dagat” na magtatapos na ngayong Biyernes (Hulyo 5).

Apoy Sa Dagat cast

Ayon kina Angelica at Piolo, sa halos limang buwang pagpapainit ng “Apoy Sa Dagat” sa primetime TV, laking pasalamat nila sa hindi pagbitaw ng mga manonood sa kanilang serye kinatatampukan ng mga karakter nina Rebecca at Serena (Angelica), Ruben (Piolo) at Anton (Diether Ocampo). Sa katunayan, sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Biyernes (Hunyo 28), no.3 most watched TV program sa buong bansa ang “Apoy Sa Dagat,” taglay ang 27% national TV rating, kumpara sa nakuha ng 15.3% ng katapat nito sa GMA 7 na “My Husband’s Lover.”

“Napakagandang kwentong pag-ibig ng ‘Apoy Sa Dagat.’ Dahil sa mga pinagdaanan nina Rebecca at Serena, natutunan ko na kahit anong mangyari, pwede mo palang gawin ang lahat–kahit masama o mabuti–para sa mga taong mahal mo,” ani Angelica. “Ganun pala ang pag-ibig, hindi mo pwedeng husgahan kung ano ang mga ginagawa mo or ginagawa sa ‘yo ng taong mahal mo.”

Dagdag ni Piolo, mula nang umere noong Pebrero ang programa nilang obra nina sa Direk FM Reyes at Direk Nick Olanka damang-dama nila ang mainit na suporta ng sambayanan sa kanilang kwento at mga karakter.

“I’m really proud of what we’ve achieved. Hindi kasi simpleng istorya itong ‘Apoy Sa Dagat,” pahayag ni Piolo. “Hawak-kamay talaga kami sa pagbibigay sa mga manonood ng pinakamagandang seryeng deserve nila.”

Ngayong nagsanib-pwersa na ang kambal na sina Rebecca at Serena (Angelica), anong mga nagliliyab na balak ang bubuuin nila? Katapusan na nga ba ng kasamaan ni Adriana (Angel Aquino) o palalasap niya sa lahat ang lupit ng kanyang paghihiganti? Magkakaroon ba ng happy ending sina Serena at Ruben, at Rebecca at Anton?

Huwag palampasin ang naglalagablab na finale week ng “Apoy Sa Dagat,” pagkatapos ng “Huwag Ka Lang Mawawala” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates