Thursday, July 04, 2013

Kakaibang kapangyarihan ngayong Hulyo sa Hero TV

Mga sumpa at masasamang balak ang susubok na mangingibabaw ngayong Hulyo sa HERO TV, sa pagdating ng mga bagong thriller anime na may ibang klaseng pananaw—ang “Death Note”, “Kiba: The Dark Knight Gaiden”, at “Gundam U.C. Vol. 1 and 2”.

Hero TV

Sa “Death Note” masasaksihan ang paglalaban ng dalawang henyo, kung saan ang isa ay nagbabalak maging isang diyos gamit ang nilalaman ng isang misteryosong kwadernong itim. Ang “Death Note” ay magsisimula sa mga back-to-back episode tuwing Sabado at Linggo ng 11:00 p.m. simula Hulyo 6.

Sa live action na sineng “Kiba: The Dark Knight Gaiden”, malalaman ang istorya ng isang fallen angel, at mapapaliwanag ang kanyang mga rason sa likod ng mga masasamang plano. Mapapanood ito simula Hulyo 21, 1:00 p.m. at 10:00 p.m.

Nagsisikap ang mundo para matanggal ang sumpa sa universal century sa “Gundam U.C. Vol. 1 and 2”, isang movie series na magpe-premiere sa Hulyo 14 ng 12:00 p.m. at 9:00 p.m.

Bukod pa sa mga inaabangang bagong titulo sa HERO TV nitong Hulyo, babalik din ang iba sa mga paboritong anime tulad ng “Working!”, “Initial D 4th Stage”, “YugiOh! The Movie”, “Blue Dragon Season 2”, “Major Season 3”, “Lovely Idol”, “Naruto Shippuuden Season 4”, “Digimon Adventures 02”, “Rahxephon”, “Hakuoki” and “Toaru Majutsu No Index”.

Isa pang maaabangan sa HERO ngayong Hulyo ay ang pageere ng FACE OFF 2013 na naganap noong Hunyo 16 sa SM Megamall Megatrade Hall 1, 2 at 3. Huwag palampasin ang pinakamalaking cosplay event na mapapanood sa HERO TV sa Hulyo 20 ng 12:00 p.m.

Abangan ang mga pinaka-hit na anime shows sa Hero TV (SkyCable Channel 44), ang numero unong anime cable channel sa bansa. Para sa updates at airing schedule, bumisita sa official website nito nawww.myheronation.com.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates