Wednesday, July 24, 2013

Shamcey at Venus, makikipagtapatan sa ‘Tapatan Ni Tunying’

Makikipagprangkahan kay Anthony “Tunying” Taberna tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig sina Venus Raj at Shamcey Supsup ngayong Huwebes (Hulyo 25) sa “Tapatan Ni Tunying.”

Shamcey Supsup, Venus Raj

Pareho mang itinuturing na iconic beauty queens ng makabagong henerasyon sina Venus at Shamcey dahil sa magkasunod nilang pagkakasungkit ng runner up titles sa pinaka-prestihiyosong Miss Universe, naging magkaiba naman ang takbo ng buhay ng dalawa, lalo na sa kani-kanilang love life.

Engaged na ang Miss Universe 2011 third runner up na si Shamcey sa kanyang nobyong Filipino-Chinese ng dalawang taon na si Lloyd Lee. “Naghintay ako ng tamang panahon at Pumasok lamang ako sa relasyon dahil alam kong handa na akong mag-settle,” sabi ni Shamcey.

Naging labis pa ang kaligayahan ng mag-nobyo dahil buong-pusong tinanggap ng konserbatibong pamilya ni Lloyd si Shamcey kahit hindi siya Chinese.

Samantala, kaiba kay Shamcey, biglang nagbago naman ang masayang buhay-pagibig ni Venus nang putulin ng Miss Universe fourth runner up ang isang taon niyang relasyon sa TV host na si Andrei Felix noong Mayo. Nagkaroon ng mga haka-haka noon na tutol ang pamilya ni Venus sa kanilang relasyon kaya sila naghiwalay.

“Umabot kami sa point na nag-away-away kaming magkakapatid. Pinapapili ako ng mga kapatid ko, sila o siya. Mas pinili ko siya. Hindi kami nag-usap ng mga kapatid ko for a few months. Na-miss ko ang pamilya ko,” pagkukumpirma ni Venus.

Ipapasilip din ni Shamcey sa mga manonood ang paghahanda sa nalalapit niyang kasal, habang bubuksan naman ni Venus ang pinto ng kanyang condo unit at ipinatayong bahay sa Bicol. Sasagutin din ni Venus ang mga kontrobersya tungkol sa kanyang career partikular na ang pagkawala niya sa Umagang Kay Ganda at ASAP bilang host.

Tutukan ang “Tapatan ni Tunying” (TNT) na naghahatid ng mga matapang na tanong at diretsahang sagot ngayong Huwebes (Hulyo 25), 4:15 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates